"Omo."
Huminto sa paglalakad si Jenny. Tinakpan niya ang mukha niya ng mga palad.
"Omo talaga."
Pinadyak-padyak niya pa ang mga paa sa kalsada. Kulang na lang mangisay siya. Hindi niya pa rin makalimutan ang nangyari noong isang araw.
Kaya pala!
Noong isang araw niya lang naintindihan kung bakit ganoon ang kinikilos ng dalawa. Kung bakit palagi siyang hinahatid-sundo ng bestfriend niya sa school. Kung bakit galit ito sa tawag niya kay baby angel. Kung bakit bawal siyang magka-crush dito. Kung bakit kilala siya ni baby angel. Kung bakit palagi itong nasa store nila. Kung bakit ang intense ng mga itong magtitigan. Naiintindihan niya na ngayon kung bakit.
Napakalaking epic fail. Sila palang dalawa!
Nag-squat siya sa gitna ng daan. Pinagtitinginan na siya ng mga tao pero wala siyang paki.
Juding ang bestfriend ko at 'di ko man lang alam! Omo talaga.
Ipinatong niya ang magkakrus na mga braso sa magkabila niyang tuhod at isinubsob doon ang mukha.
Parang gusto kong umiyak. Waaaaa!
"Huwag ka ngang humarang sa daan."
Dahan-dahan niyang inangat ang mukha niya mula sa pagkakasubsob sa mga braso niya.
Black pants.
Inangat niya pa ang tingin niya pataas.
Black shirt.
Gusto nang ngumawa ni Jenny sa pag-iyak.
Nakikiluksa pa 'ata si kuya sa akin.
Tiningala niya na ito ng lubusan. May subo-subo itong lollipop. Napansin niya rin na hindi man lang ito nag-ahit.
Sangganong mahilig sa lollipop?
Nag-squat ito sa harap niya at yumuko kaya magkatapat na ang mga mukha nilang dalawa. Sa sobrang lapit nila, parang natitikman niya na ang lasa ng lollipop nito. Napasinghap siya.
Si kuyang masungit!
Umangat ang gilid ng kaliwa nitong mga labi. Napasinghap siya ulit. Inatras niya rin ang ulo niya para lumaki ang distansya ng mga mukha nila.
Dahil sa ginawa niyang pag-urong, nawalan siya ng balanse at napa-upo siya sa kalsada. Napatukod ang mga palad niya sa tagiliran niya. Umangat ulit ang gilid ng mga labi nito.
Nakangangang tinitigan niya ito. Bahagya lang nakaangat ang mga labi pero punong-puno ng ekspresyon ang mga mata nito.
Nanlaki ang mga mata niya nang itukod nito ang magkabila nitong palad sa gilid ng mga palad niya at inilapit ulit ang mukha sa mukha niya. Hindi na siya makahinga ng maayos.
"Huwag ka ngang humarang sa daan!"
Tumikhim siya pagkatapos niyang sigawan ito.
Napalakas yata masyado ang pagsigaw ko. Ang sakit sa lalamunan. Waaa.
Nilingon niya ang mga taong dumadaan na nililingon din sila.
Bakit nga ba kasi kami nakaharang sa daan? Omo.
Mabilis niyang binalik ang tingin niya sa lalaking nasa harap niya nang marinig ang mahina nitong pagtawa.
Palakas ng palakas ang hanggang sa halos maluha-luha na ito sa kakatawa habang titig na titig pa rin sa kanya."Anong nakakatawa? Ano naman ngayon kung ginaya ko lang 'yong sinabi mo? Nakaharang ka rin naman sa daan, ah. At bakit ba ang lapit-lapit mo? Lumayo ka nga. Lay-oohmm!"
Nanlaki ulit ang mga mata niya dahil sa ginawa nito. Isinubo kasi nito ang lollipop na kani-kanina lang ay nasa bibig nito. Wala siyang masabi dahil sa sobrang gulat. Nakanganga lang siyang nakatingin dito.
"Ang ingay mo."
Hindi na ito nakangiti pero nakatawa naman ang mga mata. Sobrang lapit pa rin ang mga mukha nilang dalawa kung kaya ay amoy na amoy niya ang flavor ng lollipop nito na subo-subo niya na ngayon. At nalalasahan niya na ngayon.
Omo. Omo. Omo.
"Maingay ka na nga, engot ka pa. Hindi ka dapat kasi naniwala sa sinabi ng kaibigan mo doon sa store. Kaya 'di mo nahahanap ang forever na sinasabi mo kasi lingon ka ng lingon sa tabi mo lang. Subukan mo kayang tumingin sa harap mo."
Omo omo omo omo omo omo omo.
"Kaya simula ngayon, tumingin ka na lang sa harap mo para mahanap ang forever na 'yan."
Inangat nito ang kanang kamay para kuhanin ang lollipop at isinubo ulit iyon. Umangat ulit ang mga labi nito.
"Tumingin ka na lang sa akin."
BINABASA MO ANG
Forever Ba, 'Ka Mo?
RandomPara sa mga naniwala na, kasalukuyang naniniwala at maniniwala pa lang. Cheers. Para sa pagbabago!