28

4 0 0
                                        

"'Tingin mo ba tanga ako?"

Matamang tinitigan ni Jude ang dahan-dahang paglingon ni Angelica sa kanya. 

"'Tingin mo talaga 'di kita kilala? Tingin mo talaga 'di ko alam na matagal ka nang sunod nang sunod kay June simula pa lang high school?"

Nanlaki ang singkit nitong mga mata pero agad ding nakabawi. Inilapag nito ang mga hawak sa damuhan at nakataas ang kilay na tiningnan siya. Naghalukipkip pa ito.

"Hindi ako tanga!"

Hindi niya napigilan ang magtaas ng boses. Galit na galit siya. Gusto niyang magwala!

Ngunit imbes na matakot ito, tumaas lang lalo ang kilay nito. 

"Dati, I'm not sure yet. But now, you just proved to me that you really are an idiot." Ngumiti pa ito ng sarkastiko.

Nagngalit ang mga bagang niya sa sinabi nito. Nilapitan niya ito at inilapit ang mukha sa mukha nito. Ramdam niya ang mabilis na hininga nito. Sinubukan siya nitong itulak pero hinapit niya ang bewang nito at idiniin ang katawan nito sa katawan niya. Itinabingi niya ang mukha pakanan at bumulong.

"Anong sabi mo?" 

Napasinghap ito pero agad itinaas ang baba na para bang naghahamon.

"You can't scare me."

"Talaga? Kaya ka tumakbo kahapon sa store para takasan ako? Ha? Angelica?"

Mas idiniin pa niyang lalo ang mga katawan nila sa isa't isa. Isinubsob niya ang mukha niya sa gilid ng leeg nito at huminga ng malalim. 

"Galit na galit ako sa'yo, alam mo ba 'yon? Siguro nga tanga ako kasi sunod lang ako nang sunod sa'yo. Kahit sa'n mo ako dalhin. Kahit anong pinapagawa mo sa'kin. Sunod pa rin ako ng sunod. Tanga na nga 'ata ako."

Naramdaman niyang natigilan ito dahil sa sinabi niya. 

"Alam mo ba kung gaano kahirap mag-antay ng isang buwan para makasama ka lang ulit. Na kahit gustong-gusto ko nang ako na ang unang lumapit sa'yo, 'di ko magawa kasi natatakot ako na kapag ginawa ko 'yon, baka tumigil ka."

Ibinaon pa niya ng mabuti ang mukha niya sa leeg nito.

"Mahirap aminin sa sariling hinahanap-hanap na kita kasi alam kong 'di ako 'yong nakikita mo 'pag tinitingnan mo ako!"

Ipinaling nito ang mukha at pilit siyang tinitingnan pero mas ibinaon niya lang ang mukha sa leeg nito. Ayaw niyang tingnan siya nito. Ayaw niyang makita nito ang mukha niya dahil baka maisip lang nito ang kambal niya. Gusto niya siya lang ang iniisip nito, magkasama man sila o hindi.

Gusto ko ako lang.

"Ngayon ko lang 'to naramdaman. Tanga na nga siguro ako kasi mahal na 'ata kita, Angelica."



Forever Ba, 'Ka Mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon