4

7 0 0
                                    

"Ang sakit naman. Am I going to wait for another month and a half para kausapin mo ulit ako? It's been three weeks since you talked to me. I miss hearing your voice."

Makulit.

Inilipat ni Camille ang pahina ng librong binabasa na parang walang narinig.

Umupo ito sa tabi niya at tiningnan ang binabasa niya. Sinarado niya ang libro at hinalo ang ramen.

Pakialamero.

"So, you like poems, huh? Memories by Lang Leav."

Libro namin 'to. Gusto niya rin si Lang Leav.

Tumapon ng kaunti ang sabaw ng ramen dahil napalakas ang halo niya rito.

"And you like ramen too. Camille."

Maingay.

Tumigil siya sa paghahalo ng ramen at tinitigan ito sa mga mata.

Ngumiti ito sa kanya. Pero kakaiba ang ngiti nito ngayon. Ngiti na tipong gagawin ang lahat, makuha lang ang isang bagay. Ngiting determinado  at tiyak.

"One day, matatawag din kitang Camille without you glaring at  me like that. One day, magkakaroon din ako ng karapatang tawagin kang Camille. One day, hindi na lang siya ang may karapatan, ako na rin. One day, hindi na siya ang may karapatan, ako na lang. Ako na lang ang may karapatan, kasi hindi ako siya."

Forever Ba, 'Ka Mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon