1

22 0 0
                                    

"Ang sakit pala talaga. Ang sakit-sakit."

Sinubukan niyang tingalain ang unang lalaking minahal niya. At ang unang lalaking nanakit sa kanya.

Hindi niya maaninag ang taong nasa harap niya ngayon dahil sa walang tigil na pag-agos ng kanyang mga luha pero sinusubukan niya pa ring ngumiti. Ngiting pagod na. Ngiting sumuko na. Ngiting nagpapaalam na. Ngiting nagpapalaya.

"Dadating din siguro ang araw na kapag nakita kita ulit, na kapag nakasalubong kita sa daan, hindi ko na mararamdaman ang mga emosyong nararamdaman ko ngayon. Wala na akong mararamdamang kahit ano. Wala ng lungkot. Wala ng galit. Wala ng panghihinayang. Wala ng sakit. Wala ng lahat. Dadating din ang araw na wala na lang. Na para sa akin, wala ka na lang."

Forever Ba, 'Ka Mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon