Chapter 27: Cyrus the virus!

104 1 0
                                    

Chapter 27: Cyrus the virus!

Seth's POV

Papunta ulit ako kina Alison. Tumawag kasi yung lola nya kagabi, I mean si Nana. Sabi nya bukas daw pupunta dapat sina Alison and Jaymie sa orphanage kaso si Jaymie nasa bakasyon parin, monthly daw nila yung ginagawa. Siguro nagbibigay sila ng pagkain, or damit, or books... I don't have a clue. Anyway, Nana asked if I could take Jaymie's place and help Ali. Nahiya naman akong tumanggi kaya sabi ko "sure" haha! Plus makakasama ko naman si Alison eh, panigirado hindi ako maiinip. Sobra kasi akong nageenjoy sa pangaasar dun. Sobrang pikon rin kasi eh. Naaalala ko pa yung mga panahong sobrang galit kami sa isa't-isa, akalain mo nga namang matutuwa pala ako ng ganito sakanya? I used to tell myself I hate her, pero ngayon I like her. Yeah I like her. I remember when I've read a story on that site, the guy said na kung like mo yung isang tao, sabihin mo. Kaya naman sinabi ko sakanya, I'm sure hindi nya mammisinterpret yun. Si Alison pa, eh parang tomboy yun. Ang ganda pamandin, kaso masyadong amasona eh. Type ko yung mga mahinhin, tulad ni Sam.  

Sam.... Sam, Sam, Sam... Kumusta na kaya sya? It wouldn't hurt if I'll call her siguro diba? I just want to know if she's ok. So I fished out my phone out of my pocket and dialed her number. 'Kailangan ko ng magpalit ng phone' bigla kong naisip. Gusto ko yung inuutusan mo nalang kung my tatawagan ka.or issearch man. Yung may voice recognition? Delikado kasi pag nagddrive eh, hawak ko na yung manibela tapos ppindot pa ko? Baka mamaya maaksidente pa ko. 

Ilang ring pa at sumagot na sya, "Seth? bakit?" sagot nya sa kabilang linya. 

"How are you?" tanong ko, I just needed to hear her voice. 

"Ayos lang... ikaw?"  

"Ayos lang rin naman, hmm..nasaan ka?" tanong ko ulit, hindi ko kasi alam kung paano sya kausapin. 

"Sa bahay lang. Seth I need to go"  

"Ah ganun ba... uhm I miss you Sam" there! finally I said it. 

"I miss you too Seth. bye" and just like that she ended our conversation. Bakit kaya sya ganun sakin? Yung boses nya, sobrang cold. Hindi na ba nya ko mahal? Pwe! para ka namang bakla Seth! Umayos ka nga! 

I focused my eyes sa road, ayaw ko namang maaksidente noh. Tapos ano nalang sasabihin ko sa mga pulis kapag nabuhay pa ko? Na nawalan ako ng control dahil nagsesenti ako? Haha natawa ako sa naisip ko. 

Nakarating narin ako sa wakas kina Alison. Kakatok palang sana ako sa pinto nang bumukas to. Alison was standing there, her arms crossed. 

"You're late" I checked my watch. 11 am ko dapat sya susunduin, pero 11:15am palang naman.  

"Ang OA mo naman. 15 minutes lang ako nalate eh" sagot ko. 

"Whatever" sabi nya habang naglalakad papuntang elevator. Sinundan ko lang sya. Hindi sya nagsasalita. Tapos nung nasa kotse na kami hindi parin sya nagsasalita, bulok na laway mo! Gusto kong isigaw sakanya, pero wala ako sa mood. I'm bothered tungkol sa amin ni Sam. This cool off thing is driving me mad. 

Alison asked me to pull over noong may mabasa akong "little sunshine" na signboard. Malamang ito na yun, sa pangalan palang eh. She got out of the car, looked at me then walked away. I followed her again. Wait. This feels familiar. 

"Ha!" nasabi ko ng malakas which probably startled her coz she stopped walking and looked at me wide-eyed. 

"Napano ka?" Wow concerned hehe. 

"wala ka bang naaalala?" sabi ko habang nakangiti ng abot-tenga. 

"Naaalala?" she looked confused. Haha ang cute naman nya. 

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon