Chapter 46: Maling akala

125 2 0
                                    

Chapter 46: Maling akala

"Good morning!" Bungad sa akin ng gwapong lalaking may sala kung bakit ang laki ng eyebags ko!

"What's good in the morning eh ikaw ang bumungad simula palang ng araw ko?" masungit kong sabi. Ang aga-aga naman kasi bakit nandito to? It's not that I don't want him here, actually kinikilig pa nga ako eh... pero naman, hindi pa ako nakahilamos ni hindi pa nga ako nakapagmumug eh!

"Sus! If I know, gustong gusto mo na nandito ako" pagyayabang niya.

I really need more sleep! Kahit na si Seth pa tong nasa harap ko, puyat parin ako. And for God's sake 7am palang, and today is Saturday!

Iniwan ko siya sa living room para makapaghilamos, nakakahiya naman kasi sa kagwapuhan niya kung mukha akong gusgusin hehe.

After kong gawin lahat ng dapat kong gawin, nakita ko siya sa living room kasama si Daddy. Oo nga pala close tong dalawang to.

Hinayaan ko lang sila dun tapos dumiretso ako sa kitchen, I'm starving. Nakalimutan ko kasing magdinner hehe. Eeh? Bakit wala pang breakfast? I checked the cupboards pero ubos na yung groceries. Bumalik tuloy ako sa living room.

"Oh Ali, ang aga aga ang haba na ng mukha mo" sabi ni Dad. Nakita ko pa si Seth na nagpigil ng tawa.

"I'm hungry! Walang food!" reklamo ko. Oo ako nang pa-baby! Kasi si Daddy binibaby ako masyado, dagdag pa si Seth hehe kinikilig naman ako.

"Ay oo nga ano? Oh son-in-law, bantayan mo muna baby ko ha? Bibili lang ako ng breakfast natin, dito ka lang" son-in-law? What the!

"Yes Sir" magalang namang sagot ni Seth.

Pagkaalis ni Daddy binato ko agad ng slippers yung loko...

"Araaayyy!!! Ano na namang problema mo!" asar niyang tanong. Haha ang pogi parin kaasar.

"Mukha ka kasing paa!" sagot ko naman.

"Tss. May kasalanan ka pa sakin dinadagdagan mo pa!" huh? Anong pinagsasabi nito?

"At ano na namang kasalanan ko ha sige nga?!" pasigaw kong tanong. Simula ng makilala ko tong lalaking to lagi nalang ako sumisigaw, nagmumukha na akong warfreak.

"Tinulugan mo kaya ako kagabi!"

"Anong tinuluga-

Oops. Oo nga pala, akala niya nakatulog ako. Kaya nasabi nya yung... waaaaaahhhh!!! Kinikilig na naman ako!

"Oh ano? Diba tinulugan mo ko? Bastos mo!" sigaw na naman niya.

"Ewan ko sayo!" tapos humiga ako sa sofa at tinakpan yung mukha ko, natatawa kasi ako sa kashungahan niya eh. Pati tuloy ako namumula na.

"Uy anyare sayo?" sabay alog sa akin. Naman eh! Nirerelive ko pa yung kilig moment ko kagabi!

"Ang gulo mo naman eh!" sigaw ko tapos umupo na ng maayos. "Bakit ka nga pala nandito?" bigla kong natanong.

"Wala lang. Nagising ako ng maaga eh, hindi ko naman alam kung anong gagawin ko oh san ako pupunta... Kaya naisip kitang istorbohin. Ayos ba?" tapos nagwink siya.

"Para ka namang timang eh! Porket bored ka iistorbohin mo ko? Konting hiya naman jan dre!" sabi ko habang sumenyas ng parang 'break it down yow!'

"Pwede wag mong gawin yan? Di bagay eh..." inisnob ko lang siya tapos humiga ulit. Bahala nga siya jan, iidlip muna ako.

***

The mouthwatering smell of pancakes, bacon and eggs assaulted my nose. I willingly stood up and headed for the kitchen.

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon