Chapter 34: Talunan

106 2 2
                                    

Chapter 34: Talunan

"Kurt don't worry. Ok lang nga ako" I heard Alison say. "I'm with Nana." I always envied Ali and Kurt's closeness, they always got each other's back. They always have that special bond, a strong bond even their father couldn't take away from them. "Kuya... it's just a fracture, wala namang concussion... Oo na, oo na... Bye!", she sounded cheerful, but the pain her feet is causing her is so obvious by the look on her face.

"Nurse kailan pwedeng umuwi yung apo ko?" tanong ni Nana.

"Since nalagyan na po namin sya ng cast pwede nyo na po syang iuwi mamaya or pwede rin naman pong bukas" nakangiting sagot nung magandang nurse tapos lumabas na sya. Ali saw me looking at her, so she snobbed me. Problema nun? Masama bang magandahan sa nurse nya?

Mukhang ok na sya, kahapon kasi nung sinugod sya dito sa hospital iyak daw sya ng iyak sabi ni Daddy, lagi raw nyang sinasabing sobrang sakit. Sinabi rin ni Dad na tumawag si Mommy kay Nana para ipagpaalam si Alison, sana lang pumayag sya.

"Ali... mamayang gabi lalabas ka na ha? Sasama ka kina Tito Armand." mahinahong sabi ni Nana. Ang lambing nya kay Alison. I wish may lola akong ganun, wala na kasi akong lola and lolo on both sides eh... nakakasad.

"What? Why?" naguguluhang tanong ni Ali, pero bago paman sya sagutin ni Nana bumukas yung pinto ng kwarto. Tapos may pumasok na lalaki na mukhang kaedad ng daddy ko. His eyes filled with concern and... if I saw it right, with love. I'm guessing this is Alison's Dad, he looks like Kurt kasi.

"Ma..." he said to Nana, ngumiti naman si Nana.

"Iwan na muna natin sila" aya sa amin ni Nana. So lumabas ako, si Nana pati narin parents ko.

While waiting outside the room I was saying a little prayer...

Please let them talk. Let them open their minds and hearts to each other. I know it will make Alison happy. Please make her happy....

***

Alison's POV

I was surprised to see Dad, what is he doing here? He took a step closer to me and sat at the chair beside my bed. He held my hand... is he crying? Why? Did something happen?

"Daddy? What's wrong?" I asked. But he just held me. I was shocked. For seven years I've been longing to feel his arms around me and now he's here, hugging me... My Dad... He's back! He came back to me.

"My baby girl... I'm so sorry. Please forgive Daddy? Please forgive me... Akala ko kung ano nang nangyari sayo. Nung tumawag ang Nana mo and told me na naaksidente ka, akala ko may masama ng nangyari sayo... God I was so afraid. Akala ko mawawala ka na sa akin..."

"Dad..."

"Yes baby?" his voice was full of concern. I missed that voice.

"Bakit ka umiiyak? Ang pangit mo na oh?" turo ko sa mukha nya. Tapos ngumiti lang sya sakin. Niyakap ako at sinabihan na mahal na mahal raw nya ko. God knows how long I've waited to hear those words from Daddy. Ngayon ang saya-saya ko, hindi ko mapaliwanag yung nararamdaman ko. Lahat ng masasakit na salita, wala na lahat. Hindi ko na maramdaman yung sakit. Masaya lang ako. Basta masaya lang ako. Masaya ako na finally, naramdaman ko na yung yakap ni Daddy, naramdaman ko na takot syang mawala ako, na mahal nya ko. Naramdaman ko na once again, he sees me as his daughter. His own flesh and blood.

We spent a few more minutes just talking about me, me, and me.About my studies, yung friends ko, yung game nung isang araw, at syempre I told him about Seth. He was wondering why that guy was in my room daw, tapos worried pa daw yung itsura. He thought he was my boyfriend. But I told Dad he's my classmate... and a very good friend.

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon