Chapter 47: Three red roses

116 2 0
                                    

Chapter 47: Three red roses

Walang hiyang babae to. Hanggang ngayon tinatawanan parin ako. Eh halos isang oras na yung lumipas after niya akong pagtripan, hanggang ngayon hindi pa nakakaget over.

"Alison ano ba?! Di ka ba tatahimik?" asar kong tanong.

"Hindi! Hahaha" tawa parin ng tawa. Nagbyabyahe na naman kami ngayon, hindi ko alam saan kami pupunta pero masaya naman. Kahit nakakaasar na yung tawa niya.

"Uy pangit! Punta tayo dun oh!" turo niya sa isang sports complex.

"Ok" sagot ko naman saka pinark yung bike.

Naglakad-lakad kami sa lugar. Ang lawak naman. May court tapos sa second floor naman pwedeng magarchery, sa third floor table tennis. Nice.

"Anong gusto mong gawin?" tanong ko. Nilagay niya yung kamay niya sa baba niya tapos medyo nakatingala. Ang cute naman niyang magisip-isip hehe.

"Hmmmm.... table tennis!" excited niyang sagot. Sus! Chicken na chicken lang yan sakin. Sa laki kong to at haba ng galamay ko, wala ng panama sakin si Ali.

We played for like an hour... at mali ang hinala ko. Ako ang nilampaso niya! Bakit ba ang bilis bilis niya? Para siyang kiti-kiti, ang lakas din ng mga tira niya. Kaya naman pala halos matalo na niya si Sam eh.

"Ano na? Game pa! Hindi ka pa nananalo eh!" pagyayabang niya.

"Ayaw ko na. Nandadaya ka!" joke lang yun. Hindi ko lang talaga tanggap na natalo niya ko.

"Kapal neto! Malinis akong maglaro noh!" tapos nagpout siya at binitiwan yung pampalo ng bola.

"Oh? Problema mo?" tanong ko sakanya. Eh kasi naman nakapamaywang pa, tapos nakasimangot.

"It's 12pm already!" dabog niya.

"So? Ano showtime na?" pangaasar kong tanong.

"I'm hungry na!" dabog pa niya ulit.

"Ang arte mo naman!" natatawa kong sabi. Eh paano may pa flip flip pa ng hair. Well bagay naman sakanya, ang ganda kasi ng buhok niya.

"Hindi mo ko ililibre?" parang bata talaga.

"Kanta ka muna hehe" binibiro ko lang naman siya eh. Akala ko magsusungit. Nabigla ako nung kumanta siya.

"... Mga munting pangarap namin ay

gawing abot kamay!

At sana'y marating namin...

Mga anghel kaming walang langit

Dinggin aming hiling,

Ang aming panalangin!..."

Pasigaw niyang kanta. Naku naman oh! Buti pang sinungitan nalang niya ko, nakakahiya kasi yung ginagawa niya eh. Tapos yung kanta nya pa ganun, pero cute naman siya... ay ewan! Nakakahiya parin!

"Tama na! tama na! Nakakahiya yang kanta mo!" pangaawat ko.

"Ha? Eh... hindi pa ko tapos eh. Gusto mo pang marinig yung katuloy? Ganito yun pangit oh... Sa bukas namin, ano ang gaga-

Hind ko na siya pinatapos. Tinakpan ko na yung bibig nya tapos hinila siya palabas.

"Pasensya na ho! May autism kasi tong kapatid ko. Sige ho aalis na kami!" pasigaw na paalam ko sa mga taong nakakita sa amin.

Pagkalabas namin ng complex binitawan ko na siya.

"Kasi naman eh! Ginawa mo pa kong abnormal!" litanya niya.

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon