Chapter 33: Nothing more, nothing less

107 1 0
                                    

Chapter 33: Nothing more, nothing less

The next day I had a basketball game. I texted Ali to come and watch me play since I already asked Jaymie, Madz and Angel. They all agreed to come, except for Alison ofcourse. Her sprained ankle wouldn't let her.

I'm still pissed at Cyrus after he'd left Ali at the clinic. Alam ko gusto pa nya si Alison, pero kung gusto talaga nyang patunayan yun... I don't think that's the proper way to show it. Pinapaasa lang nya ulit si Alison, nasasaktan lang yung tao.

Five minutes later at tinawag na yung team namin. We'll be competing against the PolSci department. Sila yung malupit naming rival kapag intramurals, pademonyohan kasi ng laro. Malalakas sila pero di kami pahuhuli, magagaling kami at mga gwapo pa haha!

Kasama sa first five ng team sina Leo, Benj, André, Kenneth, and ang superstar... ako! Sigawan yung mga tao, syempre marami ata kaming fans. Sina Jaymie all out ang support, as in may mga banners pa and all. Somehow naging close na yung friends ko sa friends ni Ali, sa kakaawat siguro sa amin tuwing nagsisigawan kami.

Nang magsimula ang first quarter gitgitan na kami agad, yung score laging malapit. Natapos sa 22-25 yung score. Syempre kami lamang.

Nung second quarter sila naman yung lamang, 44-41 yung score. Yung mga nanunuod nagagalit na, kasi naman yung mga PolSci nambabalya pero hindi naffoul. Nung third quarter sila parin yung lamang 67-65. Nakakafrustrate na yung sitwasyon, si Benj nafoul out na. Pinalitan sya ni Ervin. Maski ako nawawalan na ng gana. Bugbog narin ako eh, malapit narin akong mapikon sa mga kalaban namin.

Bigla nalang akong nagulat ng may nagsalitang babae sa commentator's table...

"Hoy MassCom! kapag kayo hindi umayos jan I swear ipapasuspend ko kayo!" napatingin ako sa babae, kilala ko yung boses na yun. Nagiisa lang yung babaeng may ganung boses. Alison!

Parang nabuhusan ng malamig na tubig yung buong team. Simula kasi nung may tinakot syang mga babae, kilala na sya sa school. Yung iba natatakot sakanya kasi nga powerful family nya, yung iba humahanga, yung iba naiinggit. Pero wala naman sakanya lahat ng yun eh, wala naman daw syang balak gawin yung mga sinabi nya sa mga babaeng yun.

Lahat kami biglang ginanahan. Di bale ng marumi silang maglaro, tinapatan nalang namin ng diskarte yung mga pandadaya nila. Sa last two minutes bakbakan na talaga. Tulakan, apakan, lahat na... Pero papatalo ba kami? No way! Nakikita kong naffrustrate na yung kalaban naming team dahil lamang na kami, kaya lalo pa kaming nangasar. Si Ervin steal ng steal, tapos ngingiti pa yan ng sobrang nakakapikon. Tapos nung malapit ng maubos yung time... at hawak ko yung bola... Tinuro ko si Alison, tapos kumindat... Para ko narin sinabing para sakanya yung shot na yun. Then.. yun nga... yung last shot na para kay Alison... pumasok!

Hiyawan lahat ng tao tapos yung mga PolSci nag-walkout. The final score was 89-108. Oh diba ang saya? Salamat sa napakatapang na si Kendra Alison Tamayo haha!

After ng game at nakapagpalit narin ako, hinanap ko agad si Alison. Nagsialisan narin yung mga tao. Akala ko ba hindi sya pupunta? Nakita ko syang nakaupo sa likod ng mga announcer's table, umupo ako sa tabi nya at ginulo yung buhok nya...

"Ano ba!" asar nyang sigaw sa akin.

"Ikaw huh.. sabi mo dika pupunta. Namiss mo ko noh?" pangaasar ko sakanya

"Kapal mo rin eh noh?" sagot nya sakin

"Eh bakit ka nandito?"

"I just had a feeling na mangungulelat kayo, at tama ako diba? Ang pangit nyo ngang maglaro eh. Buti nalang dumating ako, edi nainspire kayo" buong pagmamalaki nyang sagot.

"Nainspire ka jan, tinakot mo kaya yung mga kasama ko" tapos ngumiti lang sya ng napakacute.

"Tara date tayo." bigla ko nalang nasabi. Babawiin ko sana kaso narinig na pala nya. Tanga ko talaga.

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon