Chapter 66: Let's take a drive

95 2 0
                                    

Chapter 66: Let's take a drive

Did I say nothing could ever go wrong?

OK... I take it all back.

Oo kahapon maganda lahat ng nangyari simula umaga hanggang gabi, pero mukhang nagconspire ang universe para pagtripan ako today.

I took a cab papunta sa orphanage, gusto ko kasing magthankyou sa mga bata dahil sa ginawa nila kagabi para sakin... samin.

Kaso hindi pa umaabot sa orphanage eh tumirik na yung taxi. Si manong hindi na tumigil sa kakasorry, hahanapan nalang raw ako ng bagong masasakyan. Ako naman na si tanga pinauna ko na siya, nakiangkas siya sa dumaan na nakamotor. Kaya naman matagal bago may dumaan...

Dumaan na riding in tandem! Oo. Yung mga mandurukot na nanghahablot ng bag sa daan. Buti nalang 2 thousand lang ang dala ko, at naiwan ko sa bahay yung wallet ko. Kaso nga lang yung phone ko naiwan ko rin... kaya eto ako ngayon parang tanga na naglalakad sa kalsada.

Tinignan ko yung bulsa ko. Ayos... may 100 pesos pa naman ako, may magagawa naman to. Mura lang pasahe sa jeep hehe.

Naglakad ako hanggang makarating sa pinakamalapit na sakayan. Ok lang naman sa akin eh, ayaw ko lang yung magisa ako sa hindi ako pamilyar na lugar.

May nakita akong lalaki na nagtetext sa waiting shed. Mukhang mabait naman, hihiramin ko nalang phone niya.

"Excuse me... Kuya? Pwede po bang pagamit ng phone?" pacute kong tanong. Natural kailangang gamitan ng charm haha.

"Sure... May unli to all net calls yan" proud niyang sabi sabay abot ng phone. Haha parang baliw lang, as if naman tinatanong ko.

I dialed Seth's number. First ring palang sinagot na niya...

"Who's this?" masungit niyang bungad.

"Hi baby!" bati ko naman.

"Alison? Kaninong number to?" tanong niya.

"Kay Kuya-

"May bagong number si Kurt?" putol niya.

"No... ano kasi eh, nasiraan yung taxi na sinakyan ko tapos nanakaw yung bag ko" pageexplain ko.

"What?! Ayos ka lang ba? Hindi ka naman nasaktan? Bakit kasi hindi ka nalang nagpahatid sakin?" he freaked out.

"I'm fine Seth but I need you to do me a favor" sabi ko.

"Ano yun?"

"Pwede ka bang dumaan sa condo? Yung pass-code 0419-

"Monthsary ba natin yun?" tanong niya. Eto naman seryoso na nga yung tao nakuha pang kiligin.

"Oo. Pwede mo bang kunin yung wallet and phone ko? Nasa room ko lang yun. Sa side table. Then meet me at the orphanage. Magjjeep nalang ako" haha edi ako na bossy.

"Ok ok. I'm on my way... Magingat ka ok?i love you" yiiiiieeeehhh.

"Yhup. i love you more. Bye" then I hung up. "Kuya eto na po. Thank you ha" tapos smile ako ulit.

"Miss. Boyfriend mo ba yung tinawagan mo?" usisa niya.

"Ah opo. Bakit?"

"Wala naman. Sayang hehe" sabay kamot sa ulo niya.

"Ahehe" I faked a laugh at medyo lumayo sakanya.

Ang tagal naman ng jeep... 20 minutes na ata akong nagaabang pero wala parin.

"Miss?" si Kuyang pinaghiraman ko ng phone.

"Bakit po?"

"Pasensya ka na, napagutusan lang." sabi niya.

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon