Chapter 51: Wicked and Twisted

124 1 0
                                    

Chapter 51: Wicked and Twisted

Alison' POV

It's been a week and I have not seen even his shadow yet... Ano bang nangyayari sakanya? Dalawang linggo nalang at finals na. Ano to nagadvance siya ng vacation?

Alam ko naman galit siya sa akin eh, pero Oa naman siya kung makaiwas. Maski sina Leo and Ervin hindi alam kung ano nang nangyari sakanya. Ang daming taong nagaalala sakanya pero parang wala siyang pakialam. Napakaselfish!

Buti pa naman sina Samantha at Benj pumapasok pa eh. Speaking of Sam... Alam niyo ba kung anong ginawa niya last week when Seth finally found out about her dirty little secret?

(Last Sunday)

"So... are you happy now? Wala na kami ni Seth. Ang saya mo siguro noh?" mataray na sabi ni Samantha pagkabukas ko palang ng pinto.

"Leave. I'm not in the mood for this shit" isasara ko na sana yung pinto pero pinigilan niya.

"C'mon now Alison. I know masaya ka na wala na talaga kami ni Seth. Atleast nagpay-off yung panlalandi mo diba?" naku! Kung wala lang akong pinagaralan kakalbuhin ko tong babaeng to!

"Pwede ba Sam? Halatang hindi mo alam yung meaning ng word na malandi. Alam mo... harap ka lang naman sa salamin eh, makikita mo na yung definition" what? Eh pinainit yung ulo ko eh. Ayaw ko sa lahat yung pinagbibintangan ako ng kung anu-ano.

"Talaga? Umamin ka na kasi. Nagsumbong ka kay Seth para maghiwalay na kami. Kating-kati ka na kasing makuha siya. Grabe... desperada ka talaga" sabi niya ng may pailing-iling pa.

Ngumiti lang ako ng pagkatamis-tamis, "Akala ko ba matalino ka? Konting gamit naman ng utak jan Samantha. Kung gusto kong agawin si Seth sayo noon palang nagsumbong na sana ako. Ang hirap kasi sayo gagawa ka ng kagagahan nagpapahuli ka naman. Next time be cautious na ha?" pangaasar ko pa. Gusto kong makita kung paano magalit tong babaeng to, halata naman kasing nasa loob lang yung kulo.

Tinignan niya ko ng masama tapos nagwalk out. Tignan mo yun. Susugud-sugod tapos aalis naman ng maaga. Akala ko pamandin magsisisigaw siya dito. Infairness may class parin siya huh.

***

So ayun nga... inaway lang naman niya ko. Atleast ngayon malinaw na na hindi ko dapat siya isali sa circle of friends ko. Reyna ata ng kaplastikan yun eh? Kanina nagkasalubong kami sa canteen and she smiled at me. Ako naman nilampasan ko lang, kunwari hindi ko nalang nakita.

Biglang nagvibrate yung phone ko so I pulled it out of my pocket. Si Seth... tumatawag. Tumingin ako sa prof kung nakatingin. Hindi naman, nakatalikod siya.

"Hello?" bulong ko.

"Meet me at Zenith" tapos pinatay na nya.

Ano naman yun? Alam naman niyang may pasok ng ganitong oras. Kung makautos naman parang pinapasahod niya ko... Anyway, paano ako makakaalis dito?

"Uhm... Sir?" tawag ko sa prof habang nakataas yung kamay.

"Yes Ms. Tamayo?" ang napakagwapo naming prof. Si Mr. Greg Alvarez.

"Sir pwede na ho bang lumabas?" lakas loob kong tanong.

"And what makes you think na papayagan kitang lumabas Ms. Tamayo?"

"Sir please?" sabay smile ng pasweet. "I really need to do something important lang kasi eh"

He looked at me questioningly then sighed... "Ok... "

"Yes! Thank you Sir!" tapos tumakbo na ako palabas.

Si Sir kasi... laging bumibisita sa orphanage yan, minsan nagtuturo siya dun kaya kilala ko siya. We're friends outside the school pero siyempre si Jaymie lang ang nakakaalam nun.

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon