Chapter 57: Just wait

100 2 1
  • Dedicated kay Kate Muñoz Organo
                                    

Chapter 57: Just wait

Alison's POV

Last day na ng exams... bukas bakasyon na, at aalis na si Cyrus. Nakakasad pero ganun talaga eh, kailangan na raw niyang ituloy yung pagaaral niya.

"Uy Ali! Ang cute naman ng necklace mo, saan galing?" tanong ni Madz.

"Hindi ko alam eh, basta nakita ko nalang sa locker ko." honest kong sagot hehe.

"Wow... secret admirer?" kinikilig na sabi ni Madz.

"Stalker kamo!" si Angel.

"Secret admirer yan... may note pang kasama oh?" sabat ni Jaymie habang itinataas yung note na hinalukat niya sa bag ko.

"Jaymie! Akin na nga yan!" sabay agaw ng papel sakanya.

"Haha look girls! She's blushing! Hahaha Ali kinikilig ka sa Mr. X na yan?" tapos tinatawanan na nila akong lahat.

Naglalakad palang kami papunta ng building namin, hindi namin plinanong magsabay-sabay pero nagkita kita nalang kami bigla sa gate. Ang saya nga eh, ang agang chikahan hehe.

"Siya ba yun? Sayang ang ganda pamandin niya, malandi naman pala" narinig kong bulong ng babaeng nadaanan namin.

Hinawakan lang ni Jaymie yung kamay ko at pinisil... she didn't have to do that, I'm fine. I wont be affected by nasty rumors being spread by worthless people.

"I heard sinulot raw niya si Seth kay Samantha. Inakit raw niya"

"Diba tumira siya nun kina Seth? Siguro doon niya ginawa lahat ng pangaakit para maagaw lang niya si Seth" bulong pa nila.

"Pigilan niyo ko babangasan ko mga babaeng yan" bulong naman ni Angel.

"Girl... I know your fierce. But you don't have to stoop that low." sagot ni Madz.

"Hayaan niyo na sila ok? Insecure lang yang mga yan" dagdag pa ni Jaymie.

Ang swerte ko sa mga kaibigan ko. Sobrang thankful talaga ako na nakilala ko sila. Lalo na sina Madz at Angel. Dati umiikot lang yung mundo ko kina Kurt at Jaymie, ngayon ang dami ko ng kaibigan... dagdag pa sina Leo, Ervin... pati yung mga tao na lumalapit sa akin at nakikipagkaibigan, tapos nanjan pa si Seth... haay Seth. hihi kinikilig ako.

"Hindi kaya siya nahihiya? Ang ganda ng relasyon nila Samantha tapos sinira lang niya. Malandi talaga" bulong pa nila ulit. Medyo masakit na ah... naaasar na ko!

"Hindi ba dapat kayo ang mahiya?" si Seth... "You're talking maliciously about an innocent person. And you're accusing her of things she didn't even do. Alam nyo ba kung bakit kami naghiwalay ni Samantha? Hindi diba? Kaya kung pwede itikom nyo nalang yang mga bibig nyo kung wala naman kayong mgandang sasabihin. You don't know what happened. And you have no idea what we went through. At higit sa lahat wala kayong karapatang ijudge si Alison because I'm sure as hell... mas malinis pa pagkatao niya kaysa sa mga babaeng gaya niyo" natakot ata yung mga babaeng putok ang make up kay Seth kaya nagsipaktakbuhan sila.

Kami? Nganga! Hindi ko iniexpect na papatulan niya yung mga babaeng yun para sakin. Hindi ko iniexpect na ipagatanggol niya ako ng ganun...

"Ok ka lang?" tanong niya sakin habang hawak ako sa balikat.

Napatingin ako sa gilid ko... teka, nasan na sila Jaymie? Mga baliw talaga... takbuhan ba naman ako!

"Anong meron? Bakit sila ngmamadali?" tanong ulit ni Seth

"Para iwan ako sayo" nakangiti kong sagot.

"So... they're pairing us up?" nakangiti narin siya.

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon