Chapter 11: Ang Panunuyo :-P

136 1 1
                                    

Chapter 11: Ang Panunuyo :-P

Tuesday na, hindi ko parin nakakausap si Sam. I went to their house nung sunday at kahapon pero wala paring tao. San kaya sila pumunta? Hindi naman siguro sila pumunta ng ibang bansa noh? Hindi naman siguro sila lumipat ng bahay. Hindi naman siguro.. Hindi naman siguro lalayo si Sam sakin, kahit ano pang kasalanan ko dun pinapatawad naman ako nun. Pero papatawarin pa ba nya ko? I sent her a message pa nga sa facebook. "Sam please, call me when you read this. Let's talk." tapos nagpost ako sa wall nya "honey.. I miss you, please talk to me. I'm sorry" andami pa ngang nagcomment, kesyo ang sweet ko raw, ano daw ba kasalanan ko, wag ko na daw suyuin si Sam sila nalang. Haay nako, hindi naman sila yung gusto kong magcomment eh. Ngayon sobrang miss ko si Sam, ngayon ko lang naramdaman to sakanya. Para akong mababaliw sa kaiisip kung nasaan sya, kung anong ginagawa nya, kung sino talagang kasama nya. Please Samantha.. magparamdam ka na.

Papasok na ako ng school ngayon, and I've got a plan. I just hope papasok si Sam ngayon. Maaga ako para makasiguro na maaabangan ko sya.I arrived at 6:30 am. I went straight to their building. May dala-dala akong malaking banner. Sana pumasok sya, kailangan makita nya to. Some of the students recognize me so I asked for their help. It's 7am, she should be here now.. And then I saw her walking, looking as gorgeous as ever...

Alison's POV

Nakakaasar, wala yung Prof. sa 1st subject. Ang aga-aga ko pamandin nagising dahil magcocommute lang ako, I don't drive pag sa school lang ang punta ko. I'm not allowed yet, 17 palang kasi ako. Nakakainip naman dito, makagala nga sa ibang building, exercise rin to hehe.

Lakad lang ako ng lakad hanggang mapadaan ako sa isang building, bakit andaming tao rito? May artista kaya? Tinignan ko anong building to..oh, PolSci. The Lair of the Nerds haha. Tapos medyo nakisiksik ako para makita ko kung ano yung pinapanuod nila. Yung mga students sa gitna may hawak na banner. May nakasulat na "I love you Samantha Cordoval, please forgive me" tapos may picture pa ni Samantha. Mukhang alam ko na kung sinong bida sa eksenang ito.

"Seth ano to? guys will you put that thing down please? It's embarrasing, seriously." I heard Sam pleading

"wag na.. nakakakilig kaya!" sagot nung isang girl

"oo nga naman Sam, pagbigyan mo na sya" sabi pa nung isang girl

"you heard them honey pie" sabi ni Seth. Yhuck! honey pie daw! ang corny naman

"I'm late.. I have to go" tapos lalakad na sana ulit sya pero hinarang sya ni Seth

"It's 7am Sam, your class starts at 7:30"

"Seth ano ba!" mukha ng asar si Samantha

"Just hear me out ok? I know mali yung ginawa ko, but we all got drunk. So we didn't know which room we've slept in and we didn't know who are we sleeping next to. But I'm sure Sam, I swear to God nothing happened! I will never do that to you. and one more thing that I know you got really pissed with...." tapos may kinuha sya isang lalaki, bouquet ng flowers at isang napakalaking bear "I forgot our monthsary, but Sam I'll make it up to you. I'll give you flowers everyday if that's what pleases you. I'll be your hatid-sundo. I'll be your slave..look I even made this banner, alam mo ba pinagpuyatan ko yan. Personalised pa yan, I painted those words. I asked these people pa to help me. Sam please? forgive me?"

wow ah, effort kung effort. Pero kung ko sa girlfriend nya hindi ko sya papatawarin. Yung pagkalimot sa monthsary oo pwede pa, pero yung malasing at matulog ng may katabing ibang babae?nako never kong papatawarin yan! teka bakit ba ako nangengealam?haha atribida lang.

"Sam..." hinawakan ni Seth yung kamay ng girl, tapos lumuhod "please?"

"uiiii.. bati na nyan sila!" sigaw nung mga tao

"sige na Sam! effort na effort na si Seth oh!" sabi nung isa

"Oo na oo na! pinapatawad na kita!" ay bumigay rin?haha pag in love talaga na nabubulag, haha ang bitter ko.

"really?thank you!" tapos hinalikan nya si Samantha..yung mga tao sigawan, daig pa yung mga nanunuod ng kilig movie.

"Sam thank you..thank you" he hugged her "promise I wont hurt you ever again" narinig kong sabi nya. Tapos naghiyawan na naman yung mga tao. Ano to shooting? Kathniel lang ang peg? Awtsu.. ni hindi man nga ako kinilig eh. Ay ang mean haha! hmp. Makaalis na nga lang.

Naglakad-lakad na naman ako, nakakapagod tong university ah, ang lawak. Nakakatuwa kasi, andaming pogi hehe. Yung iba bumabati pa sa akin, ako naman ngumingiti minsan, minsan naman iniisnob ko. Naalala ko yung nakita ko sa park nung sabado.

Haay nako Seth Dilaurentis. Kung alam mo lang kung anong nakita ko, kung alam mo lang kung anong nililihim ng girlfriend mo. Pero hindi ko sya masisisi, siguro karma mo na yan. Sobrang babaero mo kasi, ngayon quits na kayo. I wonder how you would react kung malalaman mo yung secret nya. Pero wala akong gagawin para malaman mo yun. Bahala ka sa buhay mo antipatikong lalaki ka.

Hindi ko alam kung paanong nangyari na yung admiration ko sakanya nung una ko syang makita ay nag-evolve sa sobrang pagkaasar sakanya. Ngayon kailangan kong pagtiisan ang pagmumukha nya sa loob ng isang semester. Limang buwan rin yun..tapos na yung 3 months. Konti nalang ang titiisin ko, sana lang hindi na kami magkaklase next cem. Wala akong balak maging friend sya, ayaw ko sa kanya. I know he feels the same about me, and honestly I don't give a sh*t.

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon