Chapter 72: Our moment

87 1 0
                                    

Chapter 72: Our moment

Parang tanga yung nagsulat ng note na yun. Ang dami kayang vendomachine dito sa hospital. Naku bahala na nga, kung kailangan isa-isahin edi ganun nalng.

Luckily, yung pinakamalapit na machine yung may note ulit sa likod. At ang sabi?

Kunwari may time machine tayo. Let's go back in time shall we?

Oh diba walang sense? Parang tanga lang talaga. Bumuntong hininga ako at sumandal sa wall. Ano ng next? Kailangan kong mahanap si Alison.

Biglang may bumato sa ulo ko. Hindi naman gaanong masakit kasi papel lang, pagbukas ko lalo lang akong nainis sa nakasulat.

Akala ko ba gusto mo siyang makita, bakit nakatunganga ka pa? Go to the garden. Now!

Kung maka-now naman to... hmm. Saan daw? Tama sa garden.

Naglakad ako papuntang garden at naghanap ng kung ano mang clue para sa susunod na gagawin.

Follow the red car

Red car? Wala namang pulang kotse dito ah? Psh. Natural Seth garden to, try mo kayang tumingin sa parking lot diba? Shunga.

Medyo nakakapagod rin to ah. Hindi na nakakatuwa. Imbes na magkausap kami ngayon ni Alison eto ako, sumusunod sa taong hindi ko naman kilala at umaasang makikita si Alison pagkatapos ng lahat ng pagttrip na ginagawa niya.

I saw a red car sa parking lot. Eto na siguro yun. Agad akong sumakay sa motor ko at hinintay ang pagandar non. After 5 minutes nakita kong umandar na ang kotse at lumabas, so sinundan ko naman.

Tumigil yung kotse sa isang park. Teka... bakit dito? Ito yung last place na magkasama kami ni Alison before siya maaksidente. Nandito kaya siya?

I saw a red note on a nearby bush so kinuha ko iyon...

Can't wait to see her? Follow the arrows.

Napayuko ako sa tinatapakan ko, my mga nakadrawing ngang arrow. Parang drawing pa ng bata, balu-baluktot.

Buti nalang maliwanag yung sinag ng moon, inabot na ako ng 7pm sa kakalakad at hanap ng mga clue para lang makita si Alison.

After a few footsteps may isang malaking X na nakadrawing sa gitna kung saan ako naghanda ng dinner nung monthsary namin. Tumayo lang ako doon, naghintay sa kung anong mangyayari. Walang clue, wala kahit ano...

Bigla nalang may umilaw sa harapan ko, may white board tapos projector. Ano to? Bigla nalang may lumapit sa likod ko at naglagay ng upuan.

"Kurt? Ano to?" nagtatakang tanong ko.

Ngumiti lang siya sa akin at naglakad na palayo. Pinagttripan ba nila ako? Hindi maganda yung biro nila ha... bukod sa nakaka-kaba, nakakapagod pa.

Biglang may nagplay na music na parang pangcartoons. Yung para sa mga comedy na silent films? Tapos may drawing na ngflash sa harap.

Stick drawing actually. Ung bilog na ulo tapos guhit guhit nalang para sa boy? Tapos triangle naman yung katawan para sa girl.

Ang cute sa totoo lang. Una yung babae parang kumakanta tapos may mga lumilipad na notes sa ulo niya. Tapos kunwari naglakad siya, sumakay sa bike tapos sinundan ng isang stick na lalaki.

Then tumigil sila, nakatayo at nagtitinginan. May parang thought cloud sa taas ng lalaki na nagsasabing, "Ang ganda ganda naman niya. I-kiss ko nga". Napangiti nalang ako. Mukhang alam ko na kung sinong may pakana neto.

Tapos nagdikit ung ulo nung dalawang drawing. Nagkiss hehe. Tapos may lumipad na mga maliliit na puso. Tapos may lumitaw na "the end"

"Yun na yun? Princess? Nasaan ka?" tawag ko sakanya. Pero hindi parin siya lumilitaw. Instead may nagplay na video sa harap, si Alison yung nandoon. Nakangiti, at naka-hospital gown pa.

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon