Chapter 55: Mr. X

106 1 0
                                    

Chapter 55: Mr. X

Alison's POV

7:00am

Naglalakad ako ngayon papunta sa locker ko, nandun kasi yung book ko para sa European History. Three days ang exam pero nasa pangalawang araw palang kami at sobrang nababangag na ko.

Kahapon pumunta kami ni Bes sa office ni Nana. Kinulit namin siya about sa name ng hotel nila ng parents ni Seth hehe. Kasi naman ilang buwan na nilang sinisikreto yun... hindi namin maatim ni Jaymie na maghintay hanggang grand opening. Worth it naman kasi nalaman namin.

Pagbukas ko ng locker ko... hmm. parang may mali? May nawawala ba? Ay hindi... sobra nga yung gamit eh, merong necklace at nakafold na peach-colored na specialty paper.

Kinuha ko yung necklace... ang ganda... silver tapos musical note yung pendant. "Ano to?" I asked myself habang tinitignan yung papel. Pagbukas ko may nakasulat na...

"Your voice is the sweetest music in my ear..."

-Mr. X

Mr. X? Hahaha ang corny naman! sino kaya to? I examined the paper for more details... sa bottom part merong... QR code? Nye? Anong klaseng secret admirer ba to? Corny na hindi pa romantic... bigyan ba naman ako ng 2D barcode, ano ako department store?

I took out my phone and scanned the code... ano naman kayang nakalagay dito? Matapos maiscan lumabas na yung link ng code. I was going to click it na sana but the bell rang. Psh... K.J naman.

Umakyat na ko ng third floor para pumunta sa room namin... infairness ang sakit sa legs huh...

"Good morning pangit" nakangiting bungad sakin ni Seth

"Nagreview ka?" masungit kong balik.

"Oo naman noh. Nga pala... saan kayo galing ni Jaymie kahapon?"

"Kay Nana... hmm. Seth, alam mo ba kung anong name ng establishment nila?" excited kong tanong.

"Savannah Alegria" he said with a smile.

"Huh? Paano mo nalaman? Tsaka kailan pa?" ang daya naman. Kahapon lang sinabi sa akin yung name tapos siya parang alam na niya dati palang.

"Sinabi nila Mommy hehe... Savannah was Dad's mother... Sino kaya si Alegria?" tanong niya habang nakatingala at hinihimas yung baba. Ka-gwapo namang bata nito...

"Shunga! Edi si Nana!" sigaw ko sakanya.

"Ha? Akala ko ba Alicia yung name niya?" at gulong gulo talaga yung itsura nya haha.

"That's my Mom's name! Bakit ba ang shunga mo?"

"Woah chill! Ang init agad ng ulo mo eh.... hmm, ganda ng necklace mo ah. San galing?" tanong niya habang hawak hawak yung pendant. Ang lapit tuloy ng mukha niya... Hay, nakakainlove lalo... Ha? Wala akong sinabi ah! hehe.

"Did you notice someone na lumapit sa locker ko?" pero sa totoo lang ang gusto kong itanong ay... "Seth ikaw ba naglagay nito sa locker ko?" kasi kung siya.... hindi ko na huhubarin to kahit sa pagligo pa.

"Ewan... hindi naman ako tumambay dun eh. Bakit?" inosente niyang tanong...

"Eh kasi... ah wala! Hayaan mo na, wala yun...." ayaw kong sabihin sakanya, baka kasi asarin lang niya ko. Makulit rin lahi nitong pangit na to eh.

"Ah... ok. Kasama ka ba mamaya?" tanong niya.

"Saan?"

"Kay Nana... si Kurt pinapapunta, pati ako, ikaw hindi ka nasabihan?" tanong niya ulit.

"Ha? Tungkol saan?" ang daya naman oh! Bakit hindi ako kasama? Bakit si Seth kasama tapos ako hindi? Nandun din si Kurt... namimiss ko na siya. Ang tagal na since last ko siya nakita.

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon