Chapter 48: WTF!!!

121 2 1
                                    

Chapter 48: WTF!!!

Seth's POV

Problema nun? Pinagsarhan ba naman ako ng pinto. At pabagsak pa talaga ha!

Nagbibiro lang naman kasi ako eh. Sakanya talaga lahat ng to... Pero dahil 1500 to at hindi ko na mabibigay sakanya, bibigay ko nalang talaga kay Samantha. Sayang kaya...

Nakita ko kanina tuwang tuwa si Ali, pero dahil bad timing ang joke ko agad nawala yung pagkatuwa niya. Ewan ko ba bakit big deal sa akin ang pagiging masaya niya. Pakiramdam ko personal kong responsibilidad yun.

Kapag malungkot siya parang ayaw ko siyang tignan. Ang sama ng itsura eh. Joke! Maganda parin siya kahit malungkot man oh galit, pero siyempre pinakamaganda siya kapag masaya. Kahit yung simpleng ngiti lang... sobrang ganda na.

Umuwi muna ako saglit para makapaghilamos. Pakiramdam ko kasi ang lagkit lagkit ko na. Sayang naman yung good looks ko kung parang kalamay naman ako sa lagkit noh. Malay ko ba kung biglang may makiangkas na magandang babae sa tabi tabi... haha joke lang.

Crisp white shirt. Blue straight jeans. And plim soles. Naks ang gwapo ko! Kinuha ko yung phone ko... Selfie selfie rin hehe. Gaya ng sabi ko kay Ali, I'm not vain... aware lang talaga how good I look.

I drove papunta kina Sam. Mga Twenty minutes rin yun. Pagdating ko sakanila yung Mommy niya lang yung nandun. Umalis raw siya. Hindi na ako nagtagal dun at umalis na. Saan naman kaya nagpunta yung babaeng yun? At saan ko naman kaya dadalhin tong mga bulaklak ko? Sayang kasi talaga eh hehe.

Nagdrive nalang ako ulit... destination? Nowhere. Wala naman kasi akong mapuntahan talaga eh lahat ata napuntahan na namin ni Alison kanina.

Hanggang sa mapadaan ako sa campus namin, ayaw ko naman pumasok baka makita ako ni coach. Ayaw kong pawisan, baka dumungis ako. Kaya nilampasan ko nalang at nakarating sa park.

This is where we first met. Wala pa noon akong alam sakanya. Ang alam ko lang... she's hot, and I wanted to kiss her. After nun hindi ko na inasahang makikita ko pa siya ulit. Grabe nga ang tadhana eh, pinagtagpo pa ulit kami. At hindi ko inakalang magugustuhan ko siya...

My thoughts of Alison and how we became so close were interrupted

by a familiar image of a girl.

Samantha? Nandito lang pala to eh, matawag nga... but before I opened my mouth nakita kong lumapit siya sa isang lalaki, nakatalikod yung guy pero alam ko kung sino yun. Si Benj yun. Sure ako. Kilalang kilala ko tong batang to kahit saang anggulo.

Teka... bakit naman pupuntahan ni Sam si Benj? Sa pagkakaalam ko hindi sila close. Tatawagin ko na sana talaga si Sam pero mukhang may importante silang pinaguusapan. Yung mukha kasi ni Benj parang seryosong seryoso.

Then Samantha wrapped her arms around Benj's neck. Nabitawan ko yung bulaklak na hawak ko. What the hell? I wanted to look away, but the other side of me is telling me to see what they'll do next.

And then she kissed Benj... what the f*ck! My hands are now clenched so tight my knucles turned white.

P*tangina! Gusto ko silang sugurin! Nanginginig ako sa sobrang galit. No Seth. Breathe. They are not worth it. I tell myself. A phonecall distracted me from my thoughts.

"Yes hello?"

"Pare punta daw tayo kina Tito Erick mayang 7 sabi ni Leo. Libre daw niya" masayang sabi ni Ervin. Great timing.

"Ok. I'll meet you there." then I hung up.

I looked at Sam and Benj, they're still cuddling. F*ck 'em both! Paano nila naaatim na gaguhin ako? I've been nothing but a good friend and a good boyfriend. Ano hindi ba sapat yun? Kulang pa ba yun? Tangna talaga.

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon