Chapter 41: Ang gulo!

120 2 0
                                    

Chapter 41: Ang gulo!

Seth's POV

"Hon? Uy! Are you even listening?!" asar na tanong ni Samantha, nandito ulit sya. Kahapon gusto ko talagang pigilan si Alison na umalis pero mukhang wala na akong magagawa. Isang araw palang ang lumilipas pero miss ko na sya, wala akong kasigawan eh. 

"Seth! Ano ba?!" sigaw ulit ni Sam. 

"S-sorry... ano yun?"  

"I want to watch a movie. Tara dun tayo sa kwarto mo" aya nya sabay hila sakin, but I didn't move. "Oh bakit?" nagtatakang tingin nya sakin. 

"Dito nalang tayo sa livingroom Sam, kwarto na ulit nila Mommy yun eh." pagdadahilan ko, simula nung ginamit ni Alison yung kwartong yun feeling ko di na akin haha. 

"Eeeee? Sige na? Puleeeeezzzz?" pagpapacute nya. 

"No. Pangit tignan" sagot ko. 

"What? Kailan ka nagkaroon ng paki kung pangit man tignan yung ginagawa natin?" nakataas na kilay nyang sabi. 

"Basta. Wag makulit." medyo naaasar narin ako sakanya. Ang kulit naman kasi eh. 

"Whatever" and she rolled her eyes at me.  

She went to the kitchen, pagbalik nya may dala syang tray, na may isang pitcher ng juice, 2 glasses and chocolate cake. Wait. Chocolate cake? 

"Hmmm... sarap naman nito. Ginawa mo to hon?" halah kinain ni Sam, nauna pa syang nakatikim sakin. Para sa amin ni Alison yun eh. 

"Kami ni... Ali" alangan kong sagot. 

Binaba nya yung kinakain nya tapos kumuha ng tissue. I think niluwa nya yung isinubo nya. Ang bastos huh. 

"Ayaw ko na pala. Masyadong matamis tsaka nakakataba" tapos halatang wala na sya sa mood. 

"Arte neto" bulong ko. 

"Ano? "  

"Wala. Anong ginagawa mo dito? May pasok ka ah?" I asked. Kami rin naman may pasok pero mamaya na akong 1pm pupunta ng school, wala akong gana eh. 

"Wala. Gusto lang kitang makasama. Masama ba?" bakit parang hindi na ako sanay ng kasama sya? 

"Wala naman akong sinabi ah" sagot ko then kinain yung cake na ginawa namin ni Alison. 

"Ano ka ba, wag mo na ngang kainin yan!" pagbabawal nya. 

"Bakit ba? Sayang oh!"  

"Di yan!" tapos binaba nya yung plate. "So... did you miss me?" nakangiti nyang tanong sa akin  

"O-oo naman" sagot ko. Namiss ko naman talaga sya eh, pero... ewan parang may kulang. 

"Ako rin... namiss kita" sabay halik sakin. 

"Sam" pigil ko sakanya, anong nangyayare sa babaeng to? 

"Bakit? Ayaw mo?" tanong nya. Spell awkward! 

"H-hindi naman...."  

"Pero?" pagdugtung nya sa sagot ko 

"Pero... ano, may gagawin pa kasi ako. Oo may pinapagawa sina Mommy sa akin. Yun. Tsaka may pasok ka pa diba? Bahala ka absent ka na" dahilan ko sakanya. 

"Ganun ba? Sige alis nako" then she stood up and left. 

Ano bang nangyayari sakanya? May sapi na ata eh. Tinignan ko yung cake, isang slice palang yung wala. Dapat matikman ni Alison to, ang saya pamandin nya nung ginagawa namin to.  

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon