Special chapter: Fate, destiny and forever

110 2 0
                                    

Special chapter: Fate, Destiny and Forever

"Mr. Seth Alexander Dilaurentis, do you take this woman... to be your lawfully wedded wife,

I smiled and nodded, "Yes I do" hindi ko na siya pinatapos.

"And you miss Kendra Alison Tamayo, do you take this man... to be your lawfully wedded husband.."

She looked at me and smiled "I do" napakamot naman sa ulo yung nagkakasal daw sa amin, di na naman kasi pinatapos hehe . I reached for her hand and held it tight.

"You may now kiss the bride"

Itinaas ko yung belo na nakatakip sa mukha niya, at nakita ang pinakamaganda niyang ngiti.

"I love you baby" bulong ko sakanya.

"I love you more Xander" at dahan dahan kong inilapit ang labi ko sa labi niya.

"Eeeeeewwwwwwww!!!" sabay sabay na sigaw ng mga bata.

"Kids ano ba? Akala ko ba kasal to?" asar ko kunwaring tanong.

"Eh bakit dun ka pa hahalik? Bad yun! Mabubuntis si Ate Kat sige ka!" sigaw ni Pia.

Natawa nalang ako sakanila, mga bata nga naman. Tinignan ko si Theo, hawak parin niya yung ginawa nilang script para sa kasal kuno namin. Gusto daw niya siya yung magkakasal sa amin eh.

"Kahit kailan talaga KJ kayo! Akala ko ba gusto niyo silang makitang kinakasal?!" sigaw naman niya sa ibang bata.

"Hep! Walang magaaway! Nandito kami para bumisita hindi para makita kayong nagsisigawan" awat naman ni Alison.

Ako kasi yung nagpilit na pumunta kami dito. Kasi alam kong sobrang miss na ni Ali na bumisita sa mga bata. Anim na buwan rin siyang tulog, kahit dinadalaw siya ng mga bata noon iba parin yung gising siya at nalikipaglaro sakanila.

"Kuya pogi! Basta kapag totoong kasal na, dapat nandun kami ah" bulong ni Theo.

"Oo naman, gusto mo ikaw pa ring bearer eh" tapos nagfist bump kami.

"Alam mo kuya, gusto ko rin pakasalan si Pia. Kaso baka ayaw niya sakin. Ikaw ba, paano ka nagustuhan ni Ate Kat? Paano mo siya niligawan?" usisa niya.

"Naku yang ate niyo? Hindi ko niligawan yan! Siya kaya nanligaw sakin" at sinadya ko talagang lakasan yung boses ko para marinig ng lahat.

"Hoy buwisit! Pwede huwag masyadong feeling? Nakakainit ka ng ulo ha" asar namang sabi ni Alison. Nakakatuwa talaga kapag napipikon siya. Ang cute cute nya haha.

"Weh? If I know mainit yang ulo mo kasi hindi kita nahalikan kanina, hindi ka nakaiskor hahaha" sabay apir naman kami ni Theo. Tuwang tuwa sila sa nakikita nila, akala mo naman sitcom to.

"Ang kapal mo talaga! Lumayas ka nga dito!" tapos pumunta siya sa likod ko at itinulak ako. Epic fail! Ni hindi man lang ako gumalaw kahit isang pulgada.

"Oh bat ka nangangalabit?" pangaasar ko.

"Seth naman eh! Layas!" tapos lumipat siya sa harap ko at hinila naman ako.

Wrong move. Sa lakas ng hila niya at bigat ko, bumalik lang siya kaya naman bumangga siya sa akin at naitulak ako.

Ang ending? Natumba ako kaya naman bumagsak ako sa sofa habang nakapatong siya sa akin.

Nagkatitigan lang kami ng matagal, wala ni isa ang gumagalaw sa amin.

*Mwuah*

Hinalikan ko siya sa lips, smack lang naman kasi may mga bata hehe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon