Chapter 40: The other man's story

121 3 1
                                    

Chapter 40: The other man's story

Benj's POV

Name: Benjamine Herrera. Age:19 years old. 5'8" in height. Position: Guard... Madly in love with a girl named Samantha Cordoval, my bestfriend's girl...

I looked at the last sentence for a long time, then started to hit backspace until those words were deleted.

I was making an assignment for my English 2 subject. All I have to do is basically describe myself.

Yes. I am in love with Samantha. I know it's wrong. Seth is like a brother to me. I never wanted to betray him. Sino ba naman ang gusto na may kahati ka sa mahal mo diba? Sino ba namang tao ang pagpapalit ang kapamilya sa isang babae diba?

Oo kapamilya ang turing ko kina Seth. All my life I was judged and bullied dahil anak ako sa labas. My Dad was a politician. He was married to a lawyer but their relationship didn't work out. Ang sabi nya masyado raw paranoid yung naging asawa nya, baka iwan sya ni Daddy, kung sinu-sino nalang daw ang pinagseselosan.

Nagkaroon sila ng anak, Mikaela yung name. Pero namatay sya and Dad's wife became depressed. Tapos simula daw nun hindi na naging maayos yung relationship nila. Kasal nga sila pero hindi na sila nagsasama.

Then Dad met my Mom. Galing sa isang mayaman na pamilya ang Mommy ko, nakabase sa states yung business nila. Dad took a vacation and he met Mom sa isang restaurant. My Mom was complaining about a burnt steak, Dad saw her and he said he fell inlove the second he laid eyes on her.

My Mom didn't feel the same way as my Dad. She said she was broken hearted that time, naghiwalay daw sila ng first love nya. Kaya kahit anong pagpapapansin ng Daddy ko, hundi umuubra. One day they shared a cab and that's when they had the chance to get to know each other. Then my Mom eventually fell in love with my Dad.

Hindi alam ng Mommy ko na may asawa na si Daddy, when she finally learned that he was married she never showed up to him again. But then she found out that she was pregnant. Hinanap sya ni Daddy at sinuyo. My Mom loved him so much, so tinganggap nya si Daddy... kahit pa isipin ng lahat na kabit sya.

Dad tried to have his first marriage anulled but his wife wouldn't sign the papers. Kaya yung pamilya ni Daddy ayaw kay Mommy, yung side naman nila Mommy nung una galit sa Daddy ko. Pero natanggap narin daw nila nung dumating na ko sa buhay nila.

Being a politician's illigitimate son wasn't all that easy. I grew up being underestimated, I heard aweful words from strangers, and I always get into fights.

Until highschool. I met Seth, Ervin, and Leo. They were the coolest guys in school back then, well they still are right? Pinagtutulungan ako ng mga mayayabang na lalaki tapos tinakot sila nung tatlo, Leo's family owns that school so takot talaga sila sakanya.

Simula nun lagi na nila akong sinasama sa barkada nila, simula nun naging mga kapatid ko na sila. Maswerte nga ako dahil nakilala ko sila, hindi sila yung tipo ng tao na matapobre. Hindi sila mapangmaliit, ipagtatanggol ka nila kung nasa tama ka.

Pero mukhang masisira pa ata yung friendship namin, dahil sa nararamdaman ko kay Sam. Gaya ng pagkakaalam ng buong barkada, umuwi ako ng states para suyuin yung girlfriend ko, si Melissa. We were together for three years.

Nung puntahan ko sya sa bahay nila I saw a guy wearing nothing but a towel. And Melissa... well Melissa was just in the bedroom, hiding behind those sheets coz you know, she doesn't have any clothes on.

Sa sobrang galit ko halos mapatay ko yung lalaking kano. Mel cried and said she loves me pero nahihirapan sya sa LDR. F*ck that reason. I should have just listened to my Mom when she said she saw him with someone else.

Paguwi ko sa hotel dumiretso ako sa poolside, nakita ko si Samantha na nakatulala. Ang sabi nya pinilit daw nya yung parents nya na dito magbakasyon sa states para makalayo kay Seth. Marami na raw kasing nambubully sakanya, tapos ang sasakit ng mga sinasabi. Meron pang nagsabi na gf rin daw sya ni Seth tapos sya yung pipiliin kaya pinapasabi nyang he needed space. I thought Sam was stupid to believe that girl.

Mahal nya raw si Seth pero nahihirapan sya na marami syang kahati. I tried to comfort her, that's how we became friends. I told her what happened to me and my girlfriend and she said she felt sorry for me. That's when I realized why Seth chose her, she's a very special girl.

Lagi kaming nagkikita sa poolside dahil walang gaanong tao dun. One night uminom kami doon and yeah we got drunk. At may nangyari sa amin. Sam was so scared, that was her first. I thought takot sya dahil baka mabuntis sya, but she was scared because she had given it to someone she wasn't committed to.

Sinubukan naming iwasan ang isa't-isa after nun pero hindi namin magawa. Lagi parin kaming nagkikita, pero naguusap lang kami lagi... kinikilala ang isa't-isa. That's how I fell for her. Naiintindihan ko sya, nararamdaman ko yung mga hinanakit nya.

Hindi narin namin alam kung paano naging kami, basta ang alam ko nalang mahal na mahal ko na sya. Alam kong mali na saktan namin si Seth pero hindi ko kayang iwanan si Sam. Lagi rin nyang sinasabi na ayaw na nya pero bumabalik parin sya.

Nung last na makipagbreak sya sa akin hindi nya natuloy dahil hinalikan ko sya agad. Later did I know na may nakakita pala sa amin noong araw na yun. Si Alison.

Sya yung babaeng pinagseselosan ni Samantha. Nung sinabi sa amin ni Seth yung nangyari sakanila nung summer, naikwento ko yun kay Sam. Malamang yun ang dahilan kung bakit mainit ang dugo nya kay Alison, oo kasalanan ko na.

At siguro nagtataka kayo kung paano nalalaman ni Samantha yung mga kalokohan ni Seth? Oo ako rin ang nagsusumbong. Alam kong kahit sa bro-code kotang kota na ang paglabag ko, pero mahal ko yung tao eh. Ayaw kong lokohin sya ni Seth. Pero kahit anong gawin ko mahal parin sya ni Sam, sabi nya mahal nya rin ako pero alam kong magkaiba yun.

Akala nyo ba ginusto ko tong sitwasyon ko? Kaya ko iniiwasan sina Seth dahil nakokonsensya na ako. Sinisira ko yung pagkakaibigan namin. Alam ko kapag nalaman ng lahat to mawawala yung mga taong tinuring kong kapatid ko. Kahit saang anggulo mo kasi tignan, ako ang mali.

Any minute pwedeng sabihin ni Alison kay Seth yung nalalaman nya lalo na at nakatira siya with him, at yun ang pinaka nakakapagpagalit kay Sam. Alam nyang wala syang control over Alison.

So she came up with a plan, way rin daw yun para matest kung tama yung hinala nya na may gusto si Alison kay Seth. Makikipagayos na sya kay Seth at sure daw sya na aalis na dun si Alison kapag nasaktan sya.

Matalino si Samantha, she uses her knowledge para makuha yung gusto nya. Not only that, she uses her charm para mapasunod yung mga tao sa paligid nya. She's keeping up that Campus Sweetheart image.

Well nakuha nga nya yung gusto nya. Alison moved out the second Samantha walked in and kissed Seth.

How did I know? She told me ofcourse. Kahit masakit para sa akin tinatanggap ko lang. Martir na kung martir, wala na akong pakialam. Mahal ko si Samantha eh.

Sana lang marealize na nya yun. Para kasi sakanya si Seth yung right guy. At ako? Ewan. Pampalipas oras? Diversion? Panakip butas? Tangina lang talaga. Kalalaki kong tao kabit ako.

Ang sabi ni Mommy hindi tama na mas mahal ko yung ibang tao kaysa sa sarili ko. Hindi raw tama na nauubos yung respeto ko sa sarili ko dahil lang sa pagmamahal. Ganun na nga ba ang nangyayari? Kung kaya ko lang kumalas matagal ko ng ginawa.

Marahil ang tingin nyo ngayon sa akin... ahas, traydor, backstabber, walang kwentang kaibigan. Siguro nga ganun talaga ako, pero mahal ko ang mga kaibigan ko. Mahal ko sila gaya ng pagmamahal ko sa pamilya ko. Pero mahal ko rin si Samantha, hindi ko alam kung hanggang kailan... pero hangga't kaya ko pa, mamahalin ko parin sya.

_____________________________________________________________________________

I figured you guys wanted to know his side. So here it is. Atleast ngayon kilala nyo na sya. I hope you liked it. Please vote for this chapter and yung iba pa. Thank you!

-gothchic19

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon