Chapter 37: Someone like...?

112 1 1
                                    

Chapter 37: Someone like...?

Nakakaasar.

Why do they keep on looking at her?

Kasabay kong naglalakad ngayon si Alison, nakakahiya naman kasi kung iiwan ko sya sa bahay para mauna diba? She insisted na mauna na ako at magpasundo kay Jaymie pero ayaw ko. Sa suot ba naman nyang yan iiwan ko sya magisa?

Nakashort lang sya, tapos long-sleeved na blouse, yung hanggang wrist, black sa gitna and white sa manggas. Tapos nakaslippers. Naka-cast parin sya kaya hindi sya pwedeng magpants, wala rin daw syang palda kaya ayan... pasalamat sya wala talaga kaming uniform.

Ok naman syang tignan actually, ang ganda nga nya at ang sexy eh. Dagdag pa yung nakalugay lang yung buhok nya... ang ganda nya talaga. Kaso mukhang hindi lang ako ang nakakakita nun. Yung mga lalaki kasi tingin ng tingin sakanya. Nakakaasar lang talaga.

Paakyat na kami ng building namin nang may nagsalitang lalaki.

"Hey... you're Kendra right?" sabi ng mayabang na lalaki.

"Yeah?" sagot naman ni Ali. Wala naman kasing tumayawag sakanya ng Kendra, fc naman masyado tong lalaking to.

"I'm Caleb..." ah hello? May kasama sya oh? Magpasintabi ka man lang sana?

"Ah ok..." Haha! Belat! Pahiya, buti nalang masungit si pangit.

"Teka lang, gusto mo hatid na kita sa room mo?" alok ng lalaki sabay hawak sa kamay ni Alison, sasabat na sana ako pero nagsalita si Ali.

"Caleb. Pilay lang ako. Hindi ako imbalido" mataray nyang sagot tapos inalis yung kamay nya.

"Wag ka nang pakipot" sabi nung Caleb. "Ikaw na nga ihahatid eh-

"Pare pwede? Ayaw nga nya diba? So shoo..." sabat ko sakanya.

"Pwede ba Seth. Huwag kang epal? Asikasuhin mo ung gf mo" kilala nya ko? Ah oo nga pala, yung fanpage namin ni Sam.

"Wag mong hintaying kumulo ang dugo ko sayo ulol ka..." tsaka ko sya dinuro.

Nakita kami nung mga Juniors tapos inawat kami, nilayo nila si Caleb sa amin ni Alison.

"Bakit ka ba nanggugulo?" narinig kong tanong nung isang junior sakanya, malamang classmates sila.

"Have you seen her? She's hot pare. I just can't help it"

Napatingin ako kay Alison, mukhang hindi naman nya narinig yung sinabi nung Caleb. Nakatingin lang kasi sya sa stairs.

"Kaya mo?" tanong ko sakanya.

"I think so" tapos nagsimula na syang umakyat. Pero halatang nahihirapan sya kaya naman binuhat ko nalang sya.

"Seth ano ba, ibaba mo ko... pinagtitinginan na tayo oh" mahinang sabi nya sakin.

"Like I give a shit" sagot ko naman ng diretso lang ang tingin.

"Kapag nakarating to sa girlfriend mo magagalit yun" dugtong pa nya.

Hindi na ako sumagot sa sinabi nya. Naaasar kasi ako sa nangyari kanina, kung hindi nalang sana nya pinansin yung lalaki edi sana hindi na sya nabastos. Nasira lang yung mood ko, may surprise pamandin sana ako...

Binaba ko na sya nung nasa tapat na kami ng classroom, tapos pumunta na ako sa upuan ko. Magkaiba kami ng row kaya naman medyo malayo ako sakanya. The subject is European History. I like this subject, pero wala ako sa mood ngayon para makinig. Napatingin ako kay Alison, nakatingin sya sakin.

***

Jaymie's POV

Ano kayang meron sa dalawang 'to? Kanina buhat-buhat ni Seth si Ali, pero yung mukha nya parang badtrip. Tapos after nun hindi na nya pinansin. Hindi sila magsisigawan? Nakakapanibago ata.

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon