Chapter 61: Meet my Gf

97 1 0
                                    

Chapter 61: Meet my Gf

Seth's POV

Alam niyo bang puyat na puyat ako kagabi? Yung girlfriend ko kasi makulit... Oo may diin talaga yung girlfriend, ang saya kaya. Promise masaya talaga ako. Baka isipin ng iba ginagamit ko lang siyang panakip butas.

But no. Never. Late ko lang siguro narealize na wala na pala akong feelings for Samantha. Alam nyo ba yung sinasabi nila na hindi mo miss yung tao? Miss mo lang yung mga moments that you shared. At hindi mo na mahal yung tao, nasanay ka lang na mahalin siya kaya akala mo ganun pa rin.

Kagabi siniset up ko yung shed sa poolside para sa surprise ko kay Ali. Magdidinner sana kami, yung nagustuhan niyang pasta dati gumawa ako ng sarili kong version. Kaso dumating si Samantha.

Sabi niya hindi na daw siya uulit, basta balikan ko lang daw siya. Ayaw kong may nagmamakaawa sa akin. Ayaw ko yung feeling. Parang ang sama sama ko kasing tao kapag ganun.

When I refused to take her back she kissed me. At yun yung nakita ni Alison. Kaya yung dinner? Ayun napurnada, siguro kinain na ng staff yun, or ng ibang guests. Sayang yun, masarap pa naman. Ako gumawa eh hehe.

Pero kung hindi naman ginawa ni Sam yun hindi ako magkakalakas ng loob na sabihin kay Ali yung mga gusto kong sabihin. Nagrehearse kaya ako ng matagal kung paano ko sasabihin na gusto ko siyang maging gf. Kaso wala akong naisip na paraan kung paano. So I ended up making a huge scene at the grand opening.

After nun kahit nakauwi na kami magkachat parin kami sa facebook at buong magdamag ka-call ang isa't-isa. Mga 2am na siguro kami nakatulog. As usual siya nauna. Tinulugan na naman ako. Kung anu-ano nalang pinagusapan namin. Napagtripan ko pang punuin yung wall niya ng I love you Alison Dilaurentis haha!

Mukha tuloy akong nag iloveyou kay Alison ng Pretty Little Liars. Pero gusto ko yung tunog eh. Bagay sakanya yung last name ko. Woah. Teka Seth, kasasagot palang sayo pagbibigay ng apelyido na agad ang iniisip mo. Chill muna... darating rin kayo jan.

I looked at my watch... hmm. 10am na pala. Maliligo na ko! Pupuntahan ko pa yung prinsesa ko!

***

Alison's POV

Hmmm?

Bakit maingay? Ang sarap pa ng tulog ko eh!

"Hello?!" padabog kong sagot sa phonecall.

"Good morning Princess" bati ng isang napakasexy na boses. Haha may ganun ba?

"Seth?" napaupo naman ako agad.

"Aww. Wala man lang good morning para sa boyfriend mo?" parang bata... pero nakkakilig haha!

"Good morning" bati ko naman. First day pala namin to hihi.

"Tss. Wala ka pa palang tawag sa akin." bakla ba to? Bakit ang arte?

"Ang arte mo naman" biro ko.

"Sige na. Isip ka na, madaya ka" pakiramdam ko nakangiti to sa kabilang linya.

"Good morning baby" sweet kong bati ulit. Pero hindi siya sumagot, "Uy Seth?"

"Tss. Ulit! Dali na...please?" paglalambing pa niya. Natawa naman ako.

"Good morning baby koooo!!!" haha corny na ba? Feel kong sabihin eh.

"Sarap naman nun! Haha Nakakakilig!" ee? Kinikilig pala to hehe.

"Bakit ka pala napatawag?"

"Miss na kita eh" napangiti na naman ako. Kung araw araw ba naman ganito ayos lang kahit istorbohin niya lagi tulog ko.

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon