Chapter 68: His help

89 2 0
                                    

Chapter 68: His help

Samantha's POV

Hindi ko naman sinasadya eh. Galit lang ako... I wasn't thinking straight, I know. Nawalan lang ako ng control over my anger.

Hindi ko plinanong maaksidente kami ni Alison. I borrowed, I mean I stole Mom's car because I wanted to talk to her. Nakita ko siya sa may sakayan ng jeep and asked the guy kung bakit siya kinausap ni Alison.

When he said na pinahiram niya ng phone si Alison, I figured I can talk to her freely without Seth butting in.

Ewan ko ba sa babaeng yun kung bakit hindi man lang natakot sa ginawa ko, inaasar parin niya ako kahit na pinaandar ko na ng mabilis yung sasakyan.

Noong umulan na ng malakas natakot narin ako. Pero hindi ko yun pinahalata kay Alison. When I almost ran over a car, ewan pero parang hindi kumakagat yung preno after nun.

So nung may truck na sa harap namin, niliko ko nalang. At nawalan ako ng control... Dahil nga pinilit lang si Alison na pumasok sa kotse she forgot to buckle up. At noong bumangga kami, mas malala yung nangyari sakanya.

Medyo masakit yung ulo ko, but I tried to sit upright. Bakit walang nagbabantay sakin?

Lumabas ako ng kwarto ko at napadaan sa isang chapel. Ewan pero doon ako dinala ng mga paa ko.

"Huwag mo naman siyang kunin sakin. Alam mo naman kung gaano ko siya kamahal diba? Huwag mo naman siyang hayaang mawala" narinig kong sabi niya.

Si Seth... umiiyak siya. Sobrang lungkot niya.

Ano bang nagawa ko? Bakit ko nagawa yun? Mahal na mahal niya talaga si Alison.

"Seth..." nilapitan ko siya.

"Leave..." bulong niya.

"Seth hindi ko sinasadya" umiiyak narin ako. Mahal ko si Seth, and to see him like this makes my heart break in pieces.

"Sam. Mahal ko siya... Mahal na mahal ko siya. Alam mo naman yun diba?" umiiyak parin niyang sabi.

"I'm sorry... I'm sorry" lumuhod ako sa harap niya. Hindi ko talaga alam kung paano ko pa maaayos ang lahat. Hindi ko naman ginustong umabot sa ganito.

"Mamamatay ako pag nawala siya Sam... mamamatay ako" nakayuko siya. Humahagulgol. God, what have I done?

"Seth... I'm really sorry"

"Tama na Sam. Wala ka ng magagawa" mahina niya sagot.

Totoo naman eh, wala na akong magagawa. Bakit ba kasi hindi ako nagiisip? Masyado akong nabulag ng galit ko.

Muntik ko ng mapatay si Alison... Kahit kailan hindi ko pinangarap pumatay ng tao. Oo masama ako pero hindi ako kriminal.

Sa sobrang pagmamahal ko kay Seth isang buhay ang nalagay ko sa alanganin.

"I'm really sorry Seth. I just wanted you to love me again"

"I did. And you cheated on me remember?" he said glaring at me.

"Seth hindi ko naman sinasadyang lokohin ka eh-

"It's not about that anymore Sam! It's about you putting Alison's life to risk because of that stupid feelings you have!" galit na galit siya... Ganito niya kamahal yung babaeng yun?

"Stupid? That's how I feel about you and you call it stupid?" wala na talaga Sam... Kahit anong pilit mo wala ka na talagang lugar sa puso niya.

"Yes. Because if you really love me... hahayaan mo kong maging masaya. Hahayaan mo kong maging masaya kasama yung taong mahal ko. Pero hindi eh! Mas pinili mong pairalin yang pagiging makasarili mo. And look what you've done Sam. Ano masaya ka na?" then he stormed out.

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon