Chapter 60: Be mine

96 2 0
                                    

Chapter 60: Be mine

"Wait for me here ok? If I'm not back in 10 minutes then go sa may poolside... Ikaw lang. I have a surprise for you" then he kissed me on my cheek. Baliw talaga.. bakit niya sinabi na may surprise siya?Haha spoiler ng sariling plano.

He left me at an empty table, as in empty talaga... Wala man lang akong makausap dito. Hindi ko mapaliwanag yung nararamdaman ko ngayon. Kabado ako pero masaya.

What is he up to? Kinikilig parin ako. Hindi ko mapigilang ngumiti tuwing naaalala ko yung kanina. He called me his girl, tapos he sung to me pa. Naalala ko tuloy yung movie na Enchanted. Yung moment na kinantahan ni Patrick Dempsey si Amy Adams? Super kilig talaga.

"Uy! Nakita ko yun" kilig na kilig na sabi ni Jaymie.

"Oo nga! Grabe para kayong na-glue sa isa't-isa. Ang sweet nyo te! Buo pa ba paa mo? Baka nalanggam na eh" pangaasar ni Angel na may pasilip silip pa sa paa ko.

"So ano na? Kayo na ba?" tanong ulit ni Jay.

"Hindi pa..." sagot ko. Hindi ko naman talaga sinasadyang malagyan ng 'pa'. Baka sabihin nila nag-aassume na naman ako haha.

"Sus! Yun na yun. Ang lagkit nyo makatingin sa isa't-isa eh. May pakiss kiss pa sa noo at pisngi. Bat di pa kaya idiretso sa lips. Ang bagal!" kantyaw pa ni Madz.

"Shh! Ano ka ba baka marinig ka!" bulong ko habang pinanglalakihan siya ng mata.

"Naku hayaan mo! Bessy did you see Samantha kanina?" excited si Jaymie sa chismis.

"Ah.. Oo. Ang ganda nga niya eh" sagot ko naman. Totoo naman kasi eh, ang ganda niya tonight. Nakakainsecure hehe.

"Sus! Hindi kaya! Daig pa yung sasali ng miss gay sa dating niya" -si Madz.

"Gaga hindi naman yun yung gusto kong sabihin eh. Nung sumasayaw sina Ali! Para siyang toro na umuusok yung ilong haha!" tapos nagtawanan kami. Si Jaymie naman kasi kung anu-ano nalang sinasabi.

Napatingin ako sa malaking clock sa wall. May 10 minutes narin mula nung umalis si Seth. Ano na nga bang sabi niya? Ah... oo if he's not back within 10 minutes I'll go to the poolside na.

"Girls alis muna ko ha? Sabi kasi ni Seth may surprise siya sakin" nakangiti at super kilig na paalam ko.

"OMG! Go na daliiiii!!! Baka magppropose na siya!" tili ni Jaymie.

"Good luck!" sigaw naman nung dalawa.

Tumayo na ko then started to walk papunta sa likod na part ng hotel. Mahaba habang lakaran rin to. Bukod sa malawak na yung place kung saan mismo yung party, dadaan pa ako sa isang hall tapos yung "club" then hall ulit. Oh diba ang layo? Ewan ko ba sa Seth na yun bakit sa pool pa. Nakaheels pamandin ako.

Buti nalang hindi mainit, kung hindi sayang ang make up ko. Ang ganda ko kaya ngayon.

Ok eto na... Palabas na ko, konting hakbang nalang poolside na. Akala nyo basta pool lang? Malawak rin to. Oo dito yung pool kung saan kami nahulog ni Seth. Para kaming tanga nun haha.

After kong madaanan ung pool at hindi ko pa nakikita si Seth, naglakad parin ako sa boardwalk. Oo boardwalk talaga haha ang ganda nga eh, it leads to a big shed at the far end. Paanong hindi namin to napansin noon?

Bigla akong napangiti sa nakitq ko. Alam niyo ba kung saan sinabi ni Edward kay Bella yung Just have a long and happy life with me? Palawakin mo pa yun, tapos may mga lights rin... ang ganda.

Pero agad rin nawala yung ngiti ko nung makita ko kung sino yung nandun na Edward - Bella ang peg.

It's Seth and Samantha...

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon