KABANATA 1

106K 824 77
                                    

KABANATA 1

SUNDO


Tahimik akong nakaupo at nakamasid sa bintana nang narinig kong tumunog ang cellphone ko.

"Ate..." Bungad ko sa kanya.

"Hi, nasaan ka na?" Napamasid ako sa labas at naghanap ng mga karatula na nagsasabi kung nasaan na kami pero ni isa ay wala akong nakita.

"I'm not sure. All I could see are old houses and some bukirin...." Napahagikgik si ate Vanna sa kabilang linya.

"Your sister is very conyo, Savannah." Narinig kong kumento ni Kuya Greg sa kabilang linya. Anak ng tokwa at talagang nakaloadspeak pa yong magaling kong kapatid.

"Tell her we're in Minglanilla..." Napabaling ako sa katabi ko.

"According to... him. We're in Minglanilla." I snorted as I couldn't remember his name. Did he even introduced his self? I can't remember.

"Ay ang layo niyo pa pala! Mga dalawang oras pa bago kayo makarating dito sa Oslob. Sige tumawag ka nalang kapag nasa Alcoy o Bolijoon na kayo ha. Mag-ingat kayo ni Timothy." Bilin niya at binaba na ang tawag niya.

Napamasid ako sa katabi ko na tahimik lang na nagmamaneho at sobrang nakatuon ang atensyon sa daanan. I cleared my throat and he didn't even bother to glance at me. Nakita kong nakafocus pa rin siya sa kalsada pero nakakunot ang noo at animo'y may kaaway.

Timothy. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya. Bagay sa mala anghel at masungit niyang mukha ang pangalan niya. Npaangiti ako pero kaagad ko rin itong iwinala sa mukha ko dahil baka mapagkamalan pa akong baliw ng kasama ko.

"Ahmm... Let me know kapag nasa Bolijoon na tayo."

"Ayt. You may sleep. Malayo pa tayo..."

Napatitig ako sa kanyang mukha. He looks familiar. Hindi ko alam kung saan pero pakiramdam ko nakita ko na siya noon.

"Model ka ba?" I asked curiously.

Sandali niyang ibinaling ang atensyon sa akin at para bang gulat sa sinabi ko.

"You actually look familiar. Di ko lang alam kung saan kita nakita." Bulalas ko tsaka ako napabaling ulit sa labas ng bintana.

Hindi siya sumagot sa pahayag ko. Tahimik lang ulit kaming dalawa at halos mabaliw na ako sa upuan ko dahil wala man lang music para man lang maibsan yong katahimikan naming dalawa. Mukhang nahimigan ko ang pagkabagot ko at kaagad niyang binuksana ng sterio ng sasakyan.

Isang pamilyar na tugtog ang narinig ko, Chocolate mula sa banda ng 1975. Napangiti ako dahil isa ito sa mga kantang nasa playlist ko. I guess pareho kami ng taste pagdating sa kanta.

Umayos ako ng upo at tinitigan siya. Wala na kasing magandang tanawin sa labas. Puro palengke na ang nakikita ko. Sa kanya ko nalang ibabaling ang atensyon ko. Kaaya-aya naman ang itsura niya. H'wag nga lang magsasalita dahil mabubwisit ka sa asta ng ugali niya.

"Malayo pa ba?" Naiinip kong tanong sa kanya.

"Isa't kalahating oras pa. Nagugutom ka ba?" Umiling ako kahit na hindi naman niya makikita. Napasandal ako sa upuan at tinitigan siya.

Halos magdadalawang oras na kaming bumabyahe pero kailangan ko pang magtiis ng isang oras bago makarating sa mismong resort na tinutukoy ni Ate.

"My name is Summer. I heard you're Timothy. What's your fullname?" Sandali siyang napatitig sa akin at para bang naguguluhan sa sinasabi ko. Tinuro ko nalang yong kalsada sa harapan namin para doon niya ituon ang atensyon niya.

Drifting Memories (Summer Love Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon