KABANATA 17

45.6K 374 11
                                    

KABANATA 17

TIMING

"Five shot and then we're done. Just listen to my instruction." Napatango ako at pumwesto na sa harapan ng kulay white na background.

Pasimple akong napatingin sa ayos ko. Isang kulay pulang ramper lang ang suot ko. Nakatali ang makapal na kulot na buhok ko dahilan kung bakit kitang kita ang buong mukha ko. I don't even wear make-up kaya medyo mapusyaw ang kulay ko.

Mukhang napansin iyon ni Andrew kaya lumapit siya sa isang stylist at mabilisan akong inayusan. She put pink lipsticks on my lips just to enhance it. Inayos niya din ang kilay ko para kahit papaano ay mabuhay ang features ng mukha ko.

We immediately started the shoot. Nakatayo lang ako at panay ang pag-angulo para makita ang features ng mukha ko. I have to showcase my jaw line, the bridge of my nose and my pouty lips so that I could produce a good shot.

"I want you to act, Summer." Pinaupo ako ni Andrew sa isang mataas na bangko na walang sandalan.

"Find your perfect angle. You look for your inspiration." Utos ni kuya Mico kaya naman kaagad akong tumingin sa paligid.

Sa paligid na kung saan may halo-halong reaksyon akong nakita. I look at Georgina, she looks so happy and proud I guess. Inilibot ko pa ang mga mata ko hanggang sa napako ito sa pintuan.

Sa pintuan na kung saan iniimagine ko na papasok iyong lalaking magpapasaya, magpapagulo, magpaparamdam sa akin ng iba't ibang emosyon. I was imagining things while kuya Mico keeps on getting that emotion.

Of course, imagination ko lang iyon para makuha iyong tamang emosyon para sa litrato. Someone who looks so in love yet doesn't even know how to love.

"Oh! I want that angle. Don't lose that, Summer!" Sigaw ni Georgina kaya naman nanatili doon ang mata ko.

Ilang sandali lang ay biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Mabilis na nagbago ang itsura ko ng mapagtanto kung sino ang pumasok. Bakas din sa itsura niya ang pagkagulat at pagkabigla.

Sa unang tingin ay madilim ang bawat titig niya sa akin. Malalim at nakakapanlambot ng mga tuhod. Ganoon pa din ang itsura niya. Gwapo, nakakatakot, at mukhang mayabang. Sunod sunod na tunog ng camera ang naririnig ko mula kanina pa.

Tumibok ng mabilis ang puso ko ng makita ang malalaking hakbang niya papunta sa akin. I didn't expect to see him today. Akala ko ba ay nasa ibang bansa siya at hindi na kailanman magmomodel pa para kay Georgina.

Hindi mawaglit sa isipan ko iyong paraan ng pagtitig niya. Para bang wala siyang pakialam sa mga taong narito sa loob ng kwarto. Naririnig ko man ang mga bulong-bulungan ay hindi ko pa ring magawang bumitaw sa pagtitinginan namin.

Sinong mag-aakala na bigla nalang naging ganito ang pangyayari at para bang hindi kami nagtalo. Nginitian niya ako at hindi ko na napigilan pang mapangiti.

"Good job, Summer!" Kaagad akong napabaling kay kuya Mico na tapos na pala akong kinuhaan.

Kaagad na lumapit si George at ang iba kong mga team sa kanya at tinignan ang mga kuha niya sa akin. Akmang baba na ako ng upuan ko ng magulat nalang ako sa dalawang kamay na umalalay sa akin at hinawakan ako sa bewang para makababa.

"Thanks." Mahinang saad ko habang tinitignan ang kulay abo niyang mga mata.

"Anything for you."

Hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na pala siya at tinitignan ako ng taimtim. Marahan na para bang kinakabisado ang bawat detalye sa pagkatao ko. The last time I remember, nagtatalo kami sa photoshoot at pinapaiwas ko siya kay Ayessa pero bakit parang wala ng iringang magaganap sa aming dalawa?

Drifting Memories (Summer Love Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon