KABANATA 34

38.3K 329 15
                                    

KABANATA 34

TREASURE

Naramdaman ko ang pagpisil ng kamay niya sa kamay ko. Napahinga ako ng malalim at isinawalang bahala ang dumaang kirot sa dibdib ko. Well, I don't have the right to feel those kind of emotions: hurt, fear and envy.

I should be used to it by now. Syempre sa sariling pamilya ko pa lamang ay naramdaman ko na ng ilang beses iyon. Imbis na ipahalatang tinamaan ako ng kung anumang emosyon na iyon. iilit kong kainin iyong pagkain ko kahit na busog na busog na ako.

"Malapit na bang umuwi si Ayessa?" Tanong ko kay Timothy. Kumunot ang noo niya pero hindi nakatakas sa akin ang multong ngiti sa kanyang labi.

"I'm not sure when but maybe within this year." Sagot niya. Napataas ang kilay ni Cynthia sa akin.

"Please tell her to reply to my messages. We haven't talk since she left."

"You know her?" Gulat na tanong ni Cynthia. Tumaas ang kilay ko. Gosh, please tell me hindi ako nagkamaling kaibiganin ang isang ito. Hangga't maaari ayoko ng kaaway.

"We're best friends since high school..." I remembered the first time she went to our school. Umpisa palang alam ko ng may gusto siya kay Cyrille. Umpisa palang alam ko ng magiging karibal ko na siya sa kahit anong bagay.

She's pretty, has a lot of sense of humor, witty and naughty. Halos lahat ata ng lalaki sa school namin may gusto din sa kanya. Binully niya ako ilang buwan palang siya sa school. Hindi ko pinatulan kasi alam ko naman kung saan siya nanggagaling.

Hate fear and envy, she also felt those feelings nong nagtransfer siya sa school namin at nalaman niyang kami ng childhood sweetheart niya. After ilang buwan, something happened and we became best of friends.

"Sa La Salle? Ikaw iyong Summer Danielle Marquez na tinutukoy niya? Ibig sabihin ikaw iyong naging girlfriend ng childhood sweetheart niya?"

Napakagat ako ng labi at hindi alam kung ano bang dapat sagutin. Natahimik ang lahat at hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila. Mukha namang may alam na sila sa mga bagay bagay ng nakaraan.

Pagkatapos naming kumain ay sumama sa akin si Timothy para makapagpasukat na ako ng costume para sa ramp. Pagkapasok namin ay nakita kong namangha at nagulat ang ilan sa mga modelong nasilayan ang pagdating namin ng sabay. Of course, minsan lang nasa studio ang isang ito at napaka in demand pa.

"May rehearsal ka pa mamaya?" Umiling ako habang nakasandal sa pader at nakapikit.

"Wala na pero baka hintayin ko pa iyong announcement para don sa makakasama sa pictorial."

"I bet you'll be part of the production. You did great a while ago." Napangisi ako.

"I have no choice. Kaysa naman magmukha akong tanga doon habang magulo ang buhok ko." Kinuha niya ang kamay ko at pinagsaklob na naman ito. Pinaglaruan niya ang hinlalaki ko habang ako naman ay parang hinihila na ng antok dahil sa pagod.

"Wala ka bang pasok?"

"Wala. I'm the boss." Sinimangutan ko siya.

"Hindi ka pa ina-appoint ng tatay mo para sa posisyon na iyon." Napatawa siya ng mahina.

Nabanggit niya sa akin na daddy niya pa din ang namamahala ng business pero tinetrain na siya nito para pumalit sa posisyon ng daddy niya. What do you expect from the rich people?

"And it doesn't mean you'll be the boss in the future, you'll do whatever you want. Alalahanin mo, nakasalalay sa iyo ang kapakanan ng kumpanya at buhay ng mga empleyado mo." Napaayos siya ng upo.

Drifting Memories (Summer Love Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon