KABANATA 8

61.1K 606 32
                                    

KABANATA 8

Bading


Madali akong lumabas ng building na iyon at sumabay na sa ibang mga empleyado papunta sa VM Cafe. Pinaaksikaso ko sila sa mga empleyado ko at ako naman ay agad na nagtungo sa pwesto ni Lance.

"Ikaw ng bahala dito ha."

"Sige, ma'am. Bukas din po ba early shift kayo?" Nakangiti niyang tugon.

"No, day-off ko bukas hanggang linggo. Tapos next week naman ay pang-closing na ang shift ko." Sabi ko sa kanya habang abala ako sa pagpirma ng mga dokumentong kailangan niya.

"Paki-asikaso mo nalang din iyong table nila Mr. Monasterio ha. At kapag may naging problema, tawagan mo kaagad ako." Mahigpit kong bilin sa kanya.

Sabay kaming naglakad papunta sa table nila ms. Melody at sakto naman na kararating lang nila Ate Vanna. Hinintay ko muna silang makaupo bago ko sabihin ang mga dapat kong ipaalam sa kanila.

Nakakunot ang mga noo nila Timothy at Ate Vanna sa akin na wari'y nahihiwagaan sa ginagawa ko.

"What are you waiting for, Summer? Maupo ka na." Utos ni Ate Vanna pero inilingan ko lang siya.

"If you have any request or concern, please let Lance know. Siya na po ang bahalang mag-assist sa inyo..." Nakangiting saad ko sa kanila.

"Sigurado ka bang di ka na sasabay sa amin? Sayang naman at ikaw pa ang nagpahanda ng mga ito. You're really a good manager. Mag-apply ka dito kapag tapos mong mag-aral ha." Nakangiting saad ni ms. Melody, ang finance manager.

Nginitian ko nalang siya dahil ayoko ng sagutin pa ang tanong niya tutal naman alam niya na ang rason kung bakit hindi na ako sasabay sa pagkain.

"Lance, please assist our guests. Ikaw na bahala." Sabi ko at sabay tapik sa balikat nito na mukhang ikinapula pa nito.

Umalis din kaagad si Lance sa tabi ko at tsaka nag-utos sa mga staff namin para maasikaso na ang mga kumakain.

"Sige po. Mauna na ko. Enjoy your meal!" Nakangiti kong saad at nginitian din naman nila ako malibas sa tatlong mukhang nahihiwagaan sa pinagsasabi ko.

Aktong aalis na ako ng magsalita si Timothy, or should I call him mr. Monasterio?

"Danielle, sit down. You're supposed to have lunch with us." Napabaling ako sa kanya at kamuntikan pa akong mapasinghap ng makita ang seryoso niyang pagtitig.

Siguro kung hindi ako marunong magtago ng nararamdaman ko ay kanina pa ako nangatog sa kinatatayuan ko. Halos matagal din kaming nagkasukatan ng tingin. Hindi ako nagpatinag sa kanya at tinitigan din siya ng mas malamig na tingin.

Sige, tignan lang natin kung sinong unang susuko.

"Mr. Monasterio, she'll not join us. Nagpaalam kasi sa akin si ms. Marquez na mag early shift at may meeting pa siyang pupuntahan pagkatapos ng meeting dito. Tapos naman na po iyong shift niya kaya pwede na siyang hindi sumama sa atin." Pambasag ng katahimikan ni ms. Melody dahil matagal din kaming nagsukatan ng tingin ni ms. Monasterio.

Ang ibang mga empleyado naman ay nagsisimula ng kumain sa kanya-kanya nilang mga table. Kung bakit ba naman kasi nandito sa table nila ate Vanna itong si Melody. Hindi tuloy ako makaalis ng walang problema.

"Meeting? Siya lang mag-isa?" Tanong nito habang nakatitig pa din sa akin.

"Yes, sir. Ibang meeting po iyong pupuntahan niya." Dagdag ni ms. Melody na para bang kinakabahan na din sa mga pinagsasabi niya. I'm going to treat her one of these days dahil sa pagtatanggol niya sa akin dito sa huklubang boss na ito.

Drifting Memories (Summer Love Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon