KABANATA 5

60.8K 543 11
                                    

KABANATA 5

KURTINA


Nang paalis na ako at madaanan ang sala ay nakita kong may isang note doon. Dali-dali akong nagtungo sa lamesa para basahin iyon at laking tuwa ko ng makitang galing ito kay Timothy. I don't know why I am so happy. Basta'y gusto ko ang ganitong pakiramdam na para bang sanay na sanay akong ganito ang kinukilos ko.

Danielle,

Eat this before you leave. Please take good care of yourself.

-Teejay.

Tinawagan ko muna ang receptionist para makisuyong magpainit ng pagkain. Pagkatapos kong kumain ay kaagad na akong lumabas ng kwarto ko para masimulan na ang mga dapat kong gawin.

Pagdating ko palang sa lobby ng hotel ay kaagad na akong tinawag ng receptionist doon.

"Mr. Monasterio wants to see you at his office. May naghihintay na pong drivier sa labas." Magalang na sabi niya kahit na bakas sa kanyang mukha ang pagtatanong.

Kaagad ko din namang nakita ang driver na sinabi ng receptionist. Isang lalaking mas matanda lamang ng ilang taon kay Timothy ang naabutan ko. Nang makita niya ako ay kaagad niya akong pinagbuksan ng pintuan sa back seat at marahang sinarado ang pintuan ng makitang maayos na akong nakaupo sa loob.

Mabilis lang ang naging byahe. Halos wala pang sampung minuto ay nasa tapat na ako ng isang building at tingin ko'y ito ang opisina ng top management dahil bawat lumalabas at pumapasok dito ay marangya ang kasuotan.

Bigla tuloy akong napabaling sa damit ko at nahiya kung itutuloy ko pa ba ang binabalak ko. Pero nang pagbuksan ako ng Driver ni Timothy ay wala na akong nagawa pa kundi lumabas at salubungin ang mga mapagtanong na mga mata ng mga tao.

Tumungo kaagad ako sa reception area at tinanong doon iyong appointment ko. Kaagad naman akong pinaakyat sa third floor at doon ko nalang daw tanungin kay Via ang tungkol sa detalye.

Pagkalabas ko ng elevator ay madali akong pumunta sa isa pang reception are at hinanap iyong Via na magbibigay ng detalye sa gagawin ko. Pagkaraa'y may lumapit sa akin isang pamilyar na tao. She's the girl from the van. Iyong staff na nag-ayos ng debut ko?

"Good morning, ms. Marquez." Naglahad siya ng kamay at tinanggap ko iyon.

"Good morning. You are ms. Olivia La Trinidad, right?" Napasinghap siya at kaagad na namula ang pisngi.

"Naalala niyo pa po." Nakangiti niyang saad. "Naku, Via nalang. No need to call me ma'am or miss. Dapat nga ikaw ang tinatawag ko ng ganoon." Nahihiya niyang pahayag.

"Summer nalang. I think it's okay kung tawagin kitang ma'am since nagwowork ka dito and soon magiging boss ko kayo since intern lang ako."

"Naku, h'wag na po. Baka mapagalitan pa kami ni Sir Timothy kapag nalaman iyon. Via nalang po."

Inilibot ako ni Via sa mga office na kailangan kong puntuhan kapag may meeting. Pinakilala niya din ako sa mga empleyado ng finance department na mukha namang mababait pero subsob sa mga trabaho kaya sandali lang kami nagtagal doon.

Kasalukuyan kaming nasa restaurant na kung saan doon daw ako magtatrabaho. Mayroon daw kasing naiwanan na posisyon noon at halos anim na buwan na pero wala pa din silang makuha na kapalit.

"Anong gagawin ko dito?" Napahawak ako sa tyan ko dahil kinakabahan ako. Hindi ko naman kasi alam kung paano ba ako kikilos dito.

"Magluluto ba ako dito? Maglilinis?" Takang tanong ko kasi ang tanging nakikita ko lang ay kainian at lutuan.

Drifting Memories (Summer Love Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon