KABANATA 29

43K 402 25
                                    

KABANATA 29

NASANAY


Pagkatapos naming maligo ni Teejay ay kumain din kami kaagad. Panay ang pangungulit sa akin at paglalambing kaya naman naninibago ako sa kanya. Kung hindi nakadikit sa akin at nakayakap, nakayapos o nakatitig sa akin.

"Do I have a dirt on my face?" Umiling siya.

"Do you have anything to say?" Napakagat siya sa labi niya.

Inisa-isa ko ang pag-aayos ng mga plato sa mesa. Pinagpatong patong ko ang mga nagamit na plato at binukod ang mga pagkaing pwede pang kainin o papakin. He cooked my favorite food, Chicken and Broccoli Casserole with mashed potato as side dish.

"I was wondering if you want to come with me..." Napatigil ako sa pag-aayos.

Alanganin niya akong tinignan. Hindi mapakali at para bang naninimbang kung sasang-ayunan ko ba iyong gusto niya.

"Where? Date?" Tumaas ang sulok ng kanyang labi.

"Magdi-date tayo? Talaga?" Natawa siya sa reaksyon ko.

Syempre naman sino bang hindi matutuwa kapag niyaya siya ng lalaking mahal niya na lumabas. Besides, buryong buryo na ako dito sa bahay. Gusto ko naman maglibot. I want to explore this place and it would be perfect, really perfect, if Teejay will come with me.

"Kinda..."

"When?"

"Next month... 2 weeks from now."

Unti-unting nawala sa mukha ko ang saya. Alam kong napansin iyon ni Teejay dahil napakunot din siya ng noo at para bang binabasa at tinatancha ang isasagot ko.

"Ayaw mo?" Napatitig si Teejay sa akin.

"No, it's not that." Umiling ako. "I have to check my schedule first. May mga appointment na kasi akong kailangang asikasuhin." Napakunot ang noo niya.

"Are you planning to go back to Manila?"

"I have to..."

"Ayaw mo ba dito? Ayaw mo kong makasama?"

Katahimikan ang bumalot sa amin. Kahit na nahihirapan ako, kailangan kong sabihin sa kanya iyon. Hindi lang naman sa kanya umiikot ang mundo ko at ganon din naman siya.

"Hindi sa ganon. My life is in Manila and I can't stay here forever..."

Nawala ang masayang kislap sa mata ni Teejay.

"Oh is that so?"

Tumango ako saka tipid siyang nginitian.

"I can only stay for a week. Marami na kasing nakatambak sa schedule ko." Napatango-tango si Teejay pero alam kong hindi niya nagustuhan ang desisyon ko. i can tell by the emotion in his eyes. He didn't say anything. He just nodded at me and I knew that something is up with him.

"Teejay..." Pinisil ko ang kamay niya. "What's wrong?" Umiling ito.

"Nothing. Just let me know when is your free day, then." Simpleng saad niya.

Tumayo siya at siya na mismo ang kumuha ng mga plato sa mesa at dumiretso ng kusina. Napapikit ako nalang ako dahil sa nangyari. Naramdaman ko kasing tutal siya sa desisyon ko. Aligagang sumunod ako sa kanya. Nagsisimula na siyang maghugas ng pinggan. Hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha niya pero base sa kinikilos niya ay hindi siya okay.

"Teejay." Tawag ko pero hindi niya ako pinansin.

Naglakad ako palapit sa kanya at pinulupot ang mga braso ko sa tyan niya. Patuloy pa din siya sa pambabaliwala sa akin.

Drifting Memories (Summer Love Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon