KABANATA 13

47.5K 441 21
                                    

KABANATA 13

GUSTO

"Wala naman nakaupo dito kaya dito ako uupo. Unless may naupuan akong multo dito." Pagtutuloy niya pero hindi na ako kumontra.

"Tsaka sino ba yong hinihintay mo? Si Cyrille? Pupunta siya dito? O yong ex ni Georgina na bading?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Paano naman nasama sa usapan namin si Cyrille? Saan galing iyon? Sinong ex ni Georgina na bading? Bago pa ako makasagot ay iniwasan na niya ako ng tingin.

"Suuuuuuus!" Sabay tayo niya at nagulat ako ng iniwanan ako sa table namin. Akala ko ba ay sabay kaming kakain tapos iniwanan niya ako.

Nagpunta siya sa counter at kinausap yong waiter doon. Baka sa office na siya kakain kasi pinagtabuyan ko? Papayagan ko na nga siyang sumabay sa akin tapos nakuha niya pang magdrama.

Napatulala ako sa kanya. Ang kanyang malapad na likuran ang nakaharap sa akin. He's wearing dark blue v-neck shirt at puting khaki shorts na pinaresan ng brown na topsider shoes.

Simple pero nagsusumigaw ang kagwapuhan niya dahil dito. His biceps were always tensed kahit na nakatayo lang siya ay kitang-kita iyon. Damn, he' drooling hot.

Napalibot ako ng tingin sa buong restaurant. Lahat sila masasaya at may mga kasama. Puro tawanan at para bang mga walang problema sa buhay.

Madali akong tumayo at naglakad ako palapit sa kanya. Kahit nahihiya ako ay marahan kong hinawakan yong laylayan ng damit niya. Tinignan niya ako at para bang nagulat dahil sa akin.

"What's wrong?"

"Sabay na tayong kumain." mahina kong saad sabay napayuko dahil nahihiya talaga ako.

"I thought ayaw mo ko kasabay? Tsaka di ba may kasama ka?" Malamig niyang tanong sa akin.

Napailing nalang ako sa kanya at siya namang busy ulit sa pagkausap sa waiter. Ang dami-dami niyang sinasabing putahe sa waiter. Akala mo ata bibitayin na siya.

Tumingin ulit ako sa kanya at noong bumaling siya bigla sa'kin ay nginitian niya ako sabay kindat.  Loko talaga tong lalaking to. Kaya naman pati yong lalaking waiter natatawa nalang habang sinusulat yong order niya.

Buti naman hindi yong babaeng waiter yong lumapit. Papalayasin ko siya sa harap namin. Imbyerna pacute pa kay Teejay.

E ano naman sa'kin? Girlfriend ba ko? Hmmm. Hindi nga talaga ako lasing kagabi. Ang hot hot pala talaga ni Teejay. Yong  biceps pwede ng ulam, Muscles hhmmmm, tapos yong mukha Ohh may gosh!

Napailing akong muli sa mga kalokohang pinag-iisip ko. Tinignan ko nalang yong cellphone ko at sakto naman na tumatawag na yong pinsan ko.

Aktong aalis ako sa tabi ni Timothy ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Napatingin ako dito at busy pa din siya sa kausap niyang waiter. Napakunot ang noo ko at sinagot nalang ang tawag ng pinsan ko.

"Hello, my favorite cousin!" bati niya sa kabilang linya.

"Hello your face! Where are you?! Kasama mo na si Ands?"

Hinatak ko yong kamay ko kay Timothy pero mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya. Nagulat ako ng bigla siyang naglakad pabalik doon sa mesa naming dalawa.

"Kalma lang Summer. Kakabalik ko lang dito sa Resort. Imbyerna kasi yang si Andrew hindi man lang sinabi sa'kin na sa liblib pala tong Resort na to. Loko kasing lalaking iyon, kayo lang ang inilipat ng reservation sa VM galing Fontana. Papalagay ko lang tong mga gamit ko sa hotel madam ha tapos go na tayo."

Hindi ako tinitignan ni Timothy pero pinaglalaruan lang ang daliri ko. Hinatak ko iyon sa kanya at gulat na napatitig siya sa akin.

"Liblib nga pero maganda naman di ba? Pero teka lang ha. Anong go na tayo? Where are you planning to go? Wala akong alam na pasyalan dito. Tsaka may gagawin kaming shoot ni Andrew."

Drifting Memories (Summer Love Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon