KABANATA 2

77.1K 681 21
                                    

KABANATA 2

PABORITO


Halos mag-aalas tres na pero wala pa rin akong nakukuhang sagot sa kapatid ko. Panay lang ang ring ng walang kwenta niyang cellphone kaya naman naiirita na ko. Pagod na nga ako sa mahabang biyahe tapos gutom pa ko.

"Good afternoon, mr. Monasterio!" Masayang bati ng mga tao sa loob ng office kaya naman napalinga ako sa buong paligid.

Kaagad din naman akong napasimangot at nawalan ng gana ng makita ko kung sino ang pumasok. He's wearing a simple clothes: white khaki shorts , blue-white stripes longsleeves and boat shoes.

Simple pero nagsususmigaw ng karaangyaan ang isang ito. Agaw atensyon pa dahil halos lahat ng tao ay napapalingon at napapatitig sa kanya. Dumiretso sa receptionist na panay naman ang ngiti sa kanya na akala mo pwede ng mapunit ang mukha sa sobrang lapad at ngisi nila.

I tried again to call ate Vanna pero ganoon nalang ang frustraion ko ng marinig na nakapatay na ang cellphone nito. Napapikit nalang ako ng mariin at mahinang napamura ng marinig kong nagrereklamo na ang mga alaga ko sa tyan.

"I bet your hungry. Would you like to have a lunch with me?" Wala sa sariling napatingala ako at ganoon nalang ang gulat ko ng masilayan ang napakalapit niyang mukha sa akin.

Napaatras kaagad ako dahilan kung bakit naumpog ako sa glass wall at naglikha ito ng napakalakas na tunog sa buong building. Napapikit ako at pinigilang mapaiyak dahil sa sakit na naramdaman ko.

"Shit!" Kaagad na hinawakan ni Timothy ang ulo ko at marahan itong hinimas.

"Masakit?" Napatango ako at bigla naman niya akong isinubsob sa dibdib niya at panay pa rin ang paghimas sa likurang bahagi ng ulo ko.

Kaagad naman akong nagulat sa ginawa niya pero ang mas ikinagulat ko ay mas naging kalmante ang sistema ko dahil sa ginawa niya. Ilang sandali lang ay lumayo na din siya at ikinulong niya ang mukha ko sa mga palad niya at masinsinan akong tinitigan.

Halos malusaw ako sa paraan ng pagtitig niya. Mas natitigan ko pa ng husto ang kulay abo niyang mga mata at sobra itong nakakaakit. Hindi tuloy mapigilan ng puso ko na magwala.

"Bakit ang tagal ng kapatid ko?" Napanguso nalang ako. Bigla naman siyang napatitig sa mga gamit ko at para bang nainis sa nakita niya. Bigla ko tuloy itong tinignan baka kasi kalat-kalat pero hindi naman.

"Kanina ka pa dito?"

"Oo! Simula kaninang tanghali." Nagmamaktol kong sagot sa kanya. Kaagad naman siyang tumayo at bahagyang ginulo ang buhok ko.

"Wait here."

"Saan ka pupunta?" Takang tanong ko pero kininditan niya lang ako at dumiretso ng lakad sa receptionist.

"Where's Via?" Narinig kong tanong niya doon sa receptionist na parang natakot pa sa kanya.

"She's in her office, sir."

"Tumawag na ako kanina, hindi ba? Di ba pinagbilin ko na kanina na ihatid niyo na siya sa suite niya para makapagpahinga. Bakit nandito pa rin siya?"

Ni isa ay walang sumagot sa kanila. Miski ako ay naguluhan sa asta niya. Kung makautos akala mo pagmamay-ari niya itong lugar na ito.

"Sir, hindi po kasi namin macontact si ma'am Vanna kaya hindi namin maverify yong identity niya. Wala naman pong ipinagbilin si ma'am sa amin." Sumagot yong isang receptionist na akala mo labanos sa sobrang kaputian.

"I called a while ago and gave you an instruction..."

"Sir, Danielle Marquez po ang ipinagbilin niyo. Sabi niya po siya si Summer Marquez." Narinig kong napamura si Timothy kaya naman bigla akong kinabahan.

Drifting Memories (Summer Love Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon