KABANATA 30

39.6K 346 6
                                    

KABANATA 30

BETTERMENT


"So what brought you here in Cebu?"

Napairap ako sa tanong ni Teban. Kanina pa niya ako walang tigil na ginigisa ng tanong simula ng makarating ako sa shop niya.

"I told you. I'm here for my internship..." isang makahulugang ngiti ang sinukli niya sa sagot ko.

"Thought it ended a month ago?" Napairap ako dahil ayaw niya pa din akong tigilan.

"Pwede mo na kong sukatan para sa damit na susuotin ko sa shoot on Monday?"

"You're still here because of him... Still can't get over him? Can't get rid of him?" Napatitig ako sa kanya.

Is he refering to Teejay? May alam ba siya tungkol sa amin? Lantaran ba iyong relasyon namin noon? What really is the score between me and Teejay?

"H-him? Who are you refering to?" napangisi na naman siya ng ubod ng laki.

"My my, until now mahilig ka pa din magdeny ng mga bagay-bagay. 'Yong lalaking nasa social media account mo..."

"I already deleted that picture if ayon ang tinutukoy mo." Hours after I posted our photo, I decided to delete it. Pinagpiyestahan ako ng mga taong hindi ko kilala. Mga batang nagagalit na hindi ko naman alam kung bakit, famous people in the industry, and media of course. Hindi ko alam kung bakit nagagalit sila o ang dami nilang tanong sa akin na kinagugulat ko.

Maraming nagulat, natuwa at nagalit dahil don sa pictures namin. Yong iba hindi ko alam kung nakatrabaho ko at parang galak na galak sa nalaman nila. Iyong iba naman nagcomment pa na 'Di nga ako nagkamali. Sabi ko na e, magiging kayo din.'

Some people were asking if Teejay and I are back together, for good. I was taken aback by those questions that I couldn't react nor reply to them. Ano bang dapat kong sagutin, wala nga akong maalala.

"He didn't." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"He uploaded it too?" Tumango si Teban sa tanong ko. Napailing ako dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko. He immediately get his phone and scroll to Teejay's profile.

Halos lahat ng stories niya sa IG ay ako ang laman. Most of the pictures are stolen shots, some aren't...

Why would he do that? He even uploaded a picture of my hand. I was wearing the ring he gave that steamy night. Yong promise ring na may diamond stone na binigay niya sa akin. Most of his followers were asking kung kailan kami ikakasal. Some were even surprised or shocked na nagproposed siya sa akin. He even put a captio saying "My bella. My one and only girl..."

May picture pa ako na pinagkaguluhan talaga sa profile niya at ang daming nagcomment at love doon. Kahit na hindi naman kita iyong mukha ko doon ay masyado ng obvious na ako yon dahil sa mga pictures kong pinopost niya. Nag-upload siya ng picture namin na magkayakap sa kama. Kahit na nakatalikod ako at tulog ay nakuha niya pa ding kuhaan iyon at nakayakap pa siya sa akin.

"Congratulations?"

"It's not what you think, okay? We aren't." Kinuha niya ang kamay ko at para bang pinamumukha sa akin na wag ko ng itanggi.

"It's a promise ring..."

"With a diamond stud on it? Okay, tell them it's a promise ring. Let's see if they will believe you alibi, my bella." Hinampas ko siya sa inis ko. Imbis na paniwalaan ako ay pinagdudahan pa ako ng baklitang ito.

"Kung nasa Manila ka lang ngayon malamang pinagkaguluhan ka na ng media doon."

"Hindi ako ganon kasikat para mangyari iyon..." Saad ko.

Drifting Memories (Summer Love Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon