KABANATA 12

44.9K 397 9
                                    

KABANATA 12

ANGHEL


"George's not even my girlfriend. Kung iyon ang kinaiinis mo. Mali iyang hinala mo. H'wag ka kasing nakikinig kung kani-kanino." Lihim akong napangiti sa sinabi niya.

He's still beside me at kung anu-ano pang pagkain ang idinagdag sa plato ko. Kung hindi ko lang siya sinita at pinakitang naiinis na ako ay hindi pa titigil sa kakalagay ng kung anu-anong pagkain sa akin.

So mali iyong narinig ko sa lobby na dumatin na iyong girlfriend niya. Sakto kasing dumating si george doon at hindi na siya tinantanan sa kakadikit at kakahila sa kanya sa kung saan kaya naman napaisip ako ng ganoon. Hindi niya din naman kasi ako kinakausap at pinapansin.

"Look, ang laki na ng tyan ko!" reklamo ko sa kanya dahil pinaubos niya sa akin lahat nong pagkaing inilagay sa plato ko. Though pang diet pa din naman iyon at wala siyang rice na nilagay ay busog na busog pa din ako.

"Hindi naman hapit yang dress mo so you should not worry about your tummy." Nakangising sagot niya sa akin. Lumapit siya sa akin at akamang lalayuan ko siya dahil sa sobrang lapit na ng mukha niya sa akin ng pigilan niya ako. Naaamoy ko na ang mabango niyang hininga at rinig ko na din ang mabilis niyang paghinga.

Unti-unti pa siyang lumapit at bigla niyang tinignan ang labi ko kaya naman napakagat ako dito at napapikit nalang. Hindi ko rin magawang itulak siya dahil mahigpit niyang hawak ang dalawang kamay ko. Narinig kong napasinghap ang mga tao sa mesa namin.

"Uy, Timothy!" Kinikilig na sigaw ni Nancy

"Iba talaga si master!" Sigaw ni Gio at alam kong nakakakuha na kami ng attensyon sa karatig pang mesa.

Why is this guy so PDA? Ganito ba talaga siya?

"Mabahala ka kapag iba na laman ng tiyan mo and I swear you hindi ka na makakatakas at makakalayo sa akin kapag nangyari iyon." He whisphered and suddenly I felt his soft lips brush against my earlobe.

Bulta-bultaheng kuryente ang naramdaman ko at gulat na napadilat na ako. Inis na hinablot ko ang mga kamay ko sa kanya at marahan siyang itinulak palayo sa akin pero ang siraulo ay tinawanan lang ako ng napakalakas.

Inirapan ko lang siya at hindi na muling tinignan. Ang mga kaibigan naman namin ay parang mga gulat na gulat sa nangyari. Even Georgina has a surprised look and can't even react to what just happened.

"Kayo na ba?" ulit na tanong ni ate Dhale pero bago pa ako makasagot ay may tumawag na sa akin

"Summer..." Napalinggon ako ng marinig ko iyong boses ni Shen.

"We need you at the back stage." Mabilis akong sumulyap sa mga kasama ko pati na rin kay Timothy na akmang hahawakan na naman ang kamay ko pero kaagad ko iyong iniwas.

Pinigilan kong matawa dahil sa reaksyon niya. Para siyang batang nalugi at naubusan ng pagkain.

Pagkarating ko sa backstage ay kaagad akong sinalubong ng iba't ibang stylist. Mayroong abala sa buhok ko, sa make-up ko at pati na rin sa make-up ko. Nakatayo lang ako at hinahayaan silang gawin ang gusto nila.

Ang kaninang nakapusod kong buhok ay nilugay na at bahagyang niladlad ito para mas madepina ang pagkakakulot. Napasinghap ako ng bigla nalang tanggalin ni Yumi ang ribbon ng damit ko at muntik na itong malaglag sa katawan ko.

"You need to change your clothes." Napatingin pa ako sa loob ng backstage at nakita ko namang busy ang lahat at walang pakialam sa aming mga models na inaayusan.

Inabot niya sa akin iyong susuotin ko at halos napanganga ako sa nakita ko.

"I already informed you a while ago na may susuotin kang swimsuit na medyo revealing. Since hindi mo naman nagamit sa photoshoot kanina, gamitin mo nalang ngayon." Paliwanag ni Shen.

Drifting Memories (Summer Love Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon