KABANATA 28

40.5K 347 11
                                    

KABANATA 28

Maybe


Bumaling ako sa kabilang side ng kama ng maramdamang ko yung sinag ng araw. Ugh! I really hate it kapag nagigisng ako dahil sa pesteng araw na yan. Para tuloy akong bampira sa pinaggagawa ko. Tinaklob ko yung kumot sa mukha ko at pumikit na ulit.

Pabalik na ulit ako sa pagtulog ng maramdaman kong may yumakap sakin mula sa likod ko. Natigilan ako ng maramdaman ko yung maiinit niyang halik sa likod ko papuntang batok ko. Halos nagsitaasan lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa pinaggagawa niya kaya naman nilingon ko siya. Timothy's sleeping like a greak god. Akala mo naman tulog pero halatang halata na gising dahil nakangiti kahit nakapikit.

Minulat niya yung isang mata niya at nginitian ako. Kung ganito ba naman lagi makikita mo sa umaga di ka ba magiging good mood. Bakit ba kahit bagong gising siya napakagwapo pa din niya? Kahit ang gulo-gulo ng buhok niya nakakadagdag pa din yon sa kagwapuhan niya. Nakakalaglag ng--- ay wala na pa lang malalaglag. Nakakalaglag panga pa din?

"Good morning, Gorgeous" He greeted me with his seductive voice.

"Sino ka?" Tanong ko sa kanya.

Nakita kong biglang nanlaki yung mata niya kaya pinigilan kong tumawa. Mukha siyang bata na hindi alam kung anong uunahin na maramdaman- magugulat, matatakot, magpapanik o kung ano pa.

Pinilit kong i-poker face yong mukha ko para hindi ako mahalata. Pero dahil hindi ko mapigilan na matawa sa reaksyon niya ay unti-unti ding kumawala sa labi ko ang matamis kong ngiti.

Mukha namang nakuha niyang pinagtitripan ko siya kaya napangiti na naman siya at nakita ko ang pako niyang dimples sa pisngi. Ang kanyang mapangusap na mga mata ay hindi ko maiwasang hindi pakatitigan. Punong puno ng pagmamahal ang paraan ng pagtitig niya sa akin.

"Your boyfriend." Hindi ko na napigilan na pakawalan ang pagtawa ko dahil sa kumento niya.

"Ibang klase ka din no, sir? The flash. Boyfriend kaagad? Wala ng ligaw-ligaw?" Natawa din siya sa kumento ko.

"Of course. Patatagalin ko pa ba?" Saad niya at pinatakan ako ng malalim na halik sa labi.

"I don't believe in courtship. It's a waste of time. If I love the person, I'll tell her right away. But for you, I'll make an exception. Just love me now and I'll court you everyday...'

Ganoon kami buong araw. Ayaw niya akong pabangunin o di kaya naman ay paalisin ng bahay. Wala din siyang balak na pumasok ng trabaho. Ang katwiran niya ay siya naman daw ang boss at kailangan niya din ng pahinga.

Sa huli ay pinilit ko din siyang pumasok dahil panay ang pagring ng phone niya. Mukhang may kailangan siya asikasuhin sa resort nila. Kanina pa kasi panay ang pagtawag ni ms. Melody sa kanya.

"I won't be gone for too long, okay?" Napatango ako habang naglalakad kami papunta sa pintuan.

"Text or call me if you need anythig."

"Oo na po. I get it, okay. Sige na alis ka na." Nakita kong napasimangot pa siya kaya natahimik ako.

"Why are you so eager to evade me? Ayaw mo ba kong nandito?" Napasinghap ako.

"T-that's not what I meant." Saad ko at kaagad na niyakap siya. "I want you here but you need to go to the office. I-check mo lang at baka nagkakagulo na sila doon." Dagdag ko pa.

Hindi ko naman intensyon na paalisin siya. Hangga't maari nga gusto kong nandito lang siya pero syempre hindi lang naman ito ang mundo naming dalawa. Hindi pwedeng magbago dahil may mga bagay talagang kailangan panatilihing ganon pa din.

Drifting Memories (Summer Love Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon