KABANATA 3

65.4K 590 24
                                    

KABANATA 3

ALAALA


"Hello." Tipid kong saad sa kanya at nginitian din siya.

"Paano mo ko nakilala?" Naging hilaw ang ngiti niya pero kaagad din naman niyang nabawi iyon.

"Ahh. I'm Olivia La Trinidad and I'm working here as an executive assistant. Actually ako po yong nag-organize noong debut mo. I think that was three years ago..."

Three years ago...

Ni walang pumitik o nagtrigger sa utak ko dahil sa sinabi niya. I was waiting for that clue but nothing really happened.

I tried to recall that event pero kahit anong piga ko sa alaala ko ay wala talaga akong makuhang kahit katiting na impormasyon. Ni hindi ko nga maalala na nagdebut pala ako. What a stupid useless brain...

"I'm sorry but I can't remember that event but thank you for organizing my birthday celebration. Was it a simple bithday party? Ayoko din kasing nagcecelebrate ng kaarawan ko kaya baka ordinary lang iyong inirequest ko sayo."

Napasinghap siya at para bang nagulat sa sinabi ko.

"Naku ma'am hindi po. Iyon po ang isa sa mga okasyon na pinagkagastusan, pinagkaabalahan at talaga naman pinakamagandang event na nangyari dito sa resort. Kung simple po iyon, hindi po siguro iyon pagkakagastusan ng ganoon kalaki. Ang alam ko milyon-milyon po ang inilaan doon ng boyfriend niyo..." Napasinghap ako.

Gulat sa narinig at di makapaniwala sa mga nangyari. Who in the right mind would do that? Who in the right mind would spent a huge amount of money for me???

"Boyfriend?"

"Ah-Eh..." Napakamot nalang siya ng ulo niya at para bang alanganin na sagutin ang tanong ko.

"Baka nagkamali lang ako na boyfriend niyo ang gumastos..." Bigla niyang bawi.

After that weird talk with Olivia para akong lutang pagkababa ko sa VM Cafe. Nagpaalam naman siya sa akin na papasok na siya at ako naman ay dumiretso sa receptionist para magtanong kung nasaan ang table nila Ate Vanna.

"I have a reservation---

"Oh! Good morning, ms. Marquez. It's nice to see you again ma'am. Kailan pa po kayo nakauwi ng Pilipinas?" Napatango lang ako habang siya ay magiliw na nakangiti sa akin.

"Few months ago..." Naiilang na sagot ko. Bakit parang lahat nalang ng empleyadong nakakasalubong ko ay parang kilalang kilala ako?

"You're looking good as always. Kaya siguro hindi kayo maiwan, iwan ng boyfriend niyo kasi laki ng hinayang e." Bati niya sa akin at kaagad na naglahad ng kamay papasok ng restaurant.

"Please follow me ma'am. I will escort you to your table." Kahit na nagtataka sa inasta niya ay sumunod nalang ako malamang ay nabilinan na ito ni ate na darating ako.

Sakto naman na pagkarating ko ay nagsisimula na silang kumain. Umalis din kaagad yong nag-assist sa akin at hinayaan ko lang ang sarili ko na magmagmasid sa buong lugar. Hindi muna ako lumapit sa table namin at tinitigan lang sila sa di kalayuan.

Suddenly, a memory flashed into my mind. Napapikit ako at pilit inintidi ang mga nangyari kahit na may kalabuan ito.

"Wow! I am so proud of you. I told you magiging isang sikat na model ka talaga." Narinig ko ang pamilyar na boses ni Enrique.

"Nagkataon lang na wala si Thalia kaya ako ang napili ng boss natin." Pagdedepensa ko.

Baguhan palang naman ako sa pagmomodelo. I was just 6 months working here as a part-time model. Kung hindi rin naman kasi ako pinilit nila Quen at Thalia ay hindi rin naman ako sasali dito. I was so bored and depressed that's why they really forced me to join this thing.

Drifting Memories (Summer Love Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon