KABANATA 7

58.1K 535 9
                                    

KABANATA 7

MANLOLOKO


"Nakabusangot ka na naman!" Napabaling ako ng marinig ang kumento niya.

Kaagad siyang tumabi sa akin at inagaw ang suot kong shades kaya naman inis akong napaupo at tinitigan siya.

"Don't stare. Baka mainlove ka sakin." Saad niya habang prenteng nakahiga siya sa sun lounger na hinihigaan ko kanina habang nakadagan pa sa batok niya ang mga kamay niya at ginagawa niya itong unan.

"Alam mo istorbo ka. Doon ka na nga!" Sa inis ko ay pinagtutulak ko siya hanggang sa nalaglag siya sa sun lounger.

Pinigilan kong mapatawa dahil sa itsura ni Enrique. Kung lalaki lang ako ay malamang nasapak na ako ng isang ito. Kaagad kong kinuha iyong salamin ko sa knaya at nahiga na ulit para makapagpahinga. Napakaistorbo kasi ng huklubang ito. Alam naman na ako ang ibababad mamayang hapon sa photoshoot pero kung makaistorbo wagas.

Palibhasa ay tapos na siya sa pictorial at bukas na ulit ang susunod niya kaya ang lakas mambulabog. Kung noon hinihintay ko iyong pagbabalik niya dahil iniwan nila ako ni Thalia, binabawi ko na iyong sinabi ko noon.

Okay na akong mag-isa nalang ako. Kaya ko naman ang sarili ko kaysa naman araw-araw kaming nagkukulitan at ako ang palaging pikon sa aming dalawa dahil panay ang pang-aasar niya sa akin.

"Danielle." Ang baritono niyang boses ang umantala sa pag-iisip ko.

"It's Summer."

"Yeah. It's summer. Summer season. Summer over the rainbow." Inis na napalingon ako sa kanya at nakita ko ang pantay pantay at mapuputi niyang mga ngipin.

"Someday yon hindi Summer. Leche!"

Napangisi siya sa reaksyon ko kaya napairap ako. Prenteng nakaupo pa siya sa gilid ng hinihigaan ko at parang hindi iniinda ang init ng buhangin.

"Maging tayo nalang kaya?" Napabaling ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Nandon pa din yong pesteng ngiti niya sa labi at para bang wala lang sa kanya iyong sinabi mo.

"Lakas mong mang-asar ha! Doon ka nga kay Ayessa." Napangisi na naman siya at pinaglaruan nalang ang buhok ko.

"Pati ikaw pinagtatabuyan na din ako." Hindi ko nalang siya pinansin dahil alam kong kapag tinanong ko pa siya tungkol doon ay hahaba lang ang diskusyon naming dalawa.

Alam ko naman na ang nangyari nong umuwi si Ayessa noong nakaraang buwan. Kahit ako naman din kasi ang nasa kalagayan niya ay masasaktan ako dahil pinagtabuyan ako ng taong mahal ko.

Hinanap ng mata ko iyong dahilan kung bakit pinagtabuyan ni Ayessa si Enrique. At hindi ako nahirapan ng makitang halos dumugin na ng mga tao iyong location kung saan siya kinukuhaan ng photographer.

Gwapo nga, babaero at mang-aagaw namin. Kairita!

"Summer, matunaw."

"Kung nakakatunaw lang ang pagtitig, kanina pa patay iyan." Inis na saad ko pero laking gulat ko ng tinawanan lang ako ni Enrique.

"Seriously, bakit ka tumatawa? Hindi ba siya ang dahilan kung bakit kayo nagkakalabuan ni Ayessa?"

"Hindi nga ako nagpapaapekto sa kanya tapos ikaw wagas maapektuhan." Pagkasabi niya non ay tumayo na siya at pinagpagan yong shorts niyang may buhangin.

"Hayaan mo nalang iyan. Matatauhan din iyan sa ginagawa niya."

"I will help you. I'm gonna be the game changer then. Just don't give up on Ayessa." Saad ko at kitang kita ko ang gulat sa kanyang mga mata.

Drifting Memories (Summer Love Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon