KABANATA 6

69.3K 610 20
                                    

KABANATA 6

TRABAHO


Pagkabalik ko sa opisina ay kaagad kong inabala ang sarili ko sa pag-aayos ng mga gamit ko. Pagkatapos kong mag-ayos ng kurtina ay napangiti ako. Now my office looks lovely and adorable. Isang cushion white at red satin ang kurtina. Nabuhay ang kwarto dahil sa kulay na ito. Para tuloy araw-araw ay gaganahan akong magtrabaho. Red and white are my favorite colors.

Kaagad akong napabaling sa table ko ay napabuntong hininga nalang sa nakita ko. I quickly glance my watch and saw that it was already six in the evening. Dumiretso na ako sa table para masimulan ang trabaho ko.

Kaysa kasi ipagpabukas ko ito, ngayon ko nalang gagawin tutal naman ay wala akong gagawin sa kwarto ko maliban sa manood, kumain at matulog. Kaagad kong binuksan ang laptop na nadoon. Habang hinihintay na magload ito ay isa-isa kong pag-aralan ang mag nagdaang sales report.

I just wish and hope that I can analyze all the data correctly...

I am so preoccupied when the door opened and I didn't even gave that person a glance. I am busy and didn't noticed if she or he even knocked on the door.

Nasa first month palang ako at may mga nawawala pang data sa report na ginagawa ko kaya wala akong pakialam sa mundo. Iyong ibang data ko kasi na kailangan ay nasa ibang booklet kaya naman palipat-lipat ako ng tingin para mahanap ang kailangan ko.

"Ma'am, kumain po muna kayo." Kaagad kong nabosesan ang tauhan ko kaya naman saglit ko siyang tinignan.

"I will eat kapag free na ako. Don't mind me, I'm doing fine. Salamat Ruby..." Narinig ko ang pagsara ng pintuan.

"Goodness, where's that missing amount? Tsk!" Reklamo ko sa sarili ko.

Hinayaan ko munang blangko ang ibang date sa buwan ng Oktubre. Mahahanap ko rin iyong mga kulang kapag nadaanan ko na ang mga susunod na buwan.

Nang mapagod ang mga mata ko ay sandali akong napasandal sa swivel chair at napapikit dahil bahagyang sumasakit na ang mga mata ko. Pero ilang sandali lang din ang nakaraan ay may kumatok.

"Come in..." Pagod kong saad.

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ang nakasilip ang guard ng restaurant. Parang nahihiya pa siya at napapakamot sa ulo niya kaya naman umayos ako ng upo ko.

"Ano po iyon?"

"Ay ma'am. Kayo nalang po kasi ang tao dito sa restaurant. Paalis na po kasi ang mga empleyado at ilang minuto nalang ay magsasara na po tayo."

Kaagad akong napatingin sa relo ko at laking gulat ko ng pasado alas dose na pala ng hating gabi. Hindi ko man lang namalayan ang oras. Masyado kasi akong nakatutok sa ginagawa ko.

"Sige po. Pauwi na rin po ako."

"Sige ho ma'am. Nasa labas lang din naman po kaming mga guards kung may kailangan po kayo."

Kaagad kong inayos ang mga gamit ko. Pinatay ko na rin ang laptop ko at ipagpapatuloy ko nalang ang pag-tatrabaho bukas ng umaga. Maaga naman kasing nagbubukas ang cafe, ala sais ng umaga pero pumapasok ang mga empleyado ng alas singko para maghanda ng pagkain.

Ang alam ko, shifting ang schedule nila dito. Mayroon pang umaga, pang hapon at pang gabi. Ganoon din sa mga supervisors. Tatlo ang nakatalagang supervisor sa bawat restaurant at isang manager. Hindi nga lang ito 24 hours bukas. Nagsasara ito pagpatak ng alas dose ng gabi.

Pagdating naman ng hating gabi ay siyang pagbukas ng bar ng hotel. Not the typical bar na maingay at maraming tao. Isang exclusive bar na pupwedeng tambayan ng mga taong gusto lang uminom ng tahimik.

Drifting Memories (Summer Love Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon