KABANATA 23

38.5K 327 14
                                    

KABANATA 23

DEMONYO


"Uwi na tayo?" sabi ko kay Nathan pagkalapit niya sakin 

Nanatili siyang nakatayo na may blangkong ekspresyon sa mukha. Hinawakan niya kong mahigpit sa braso na naramdaman ko naman ang matinding sakit.

"Nathan, nasasaktan ako-" reklamo ko sa kanya pero agad naman niya kong pinutol.

"Masasaktan ka talaga! Sinong kausap mo? Yong boyfriend mong masungit?!"

"No. Twas Olivia. Aray, Nathan! Bitawan mo nga ako-

"Sinungaling!" Sigaw niya na ikinagulat ko naman. Napabuntong hininga nalang ako at pilit siyang inintindi. Marahil ay lasing na siya kaya nagkakaganyan.

"Pwede bang umuwi na tayo? Bitiwan mo nga ako. Please lang..."

"Hindi ka uuwi. Dito ka lang sakin."

Pilit kong kinakalas ang kamay niya sa braso ko. Agad akong naalarma sa itsura niya at pagbabago niya kaya nauna na kong maglakad papuntang gate ng rest house nila. Para siyang nasaniban ng kung anong masamang espiritu. Nanlilisik ang mga mata at parang walang sasantuhin dahil sa nararamdaman niyang galit.

Magtataxi nalang ako pauwi kaysa naman sumabay sa isang baliw na pinipilit umastang kung sino. Pero sa kasagsagan ng paglalakad ko ay nabigla ako ng may yumakap mula sa likod.

Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot lalo na ng naramdaman ko ang malalim at mainit na paghinga niya sa bandang leeg ko.

"Kinausap mo si Annette sa loob? Sinong kinausap mo sa Phone? Nagsusumbong ka na naman ba?" Mahinang tanong niya pero alam kong galit siya.

Ano naman kung kausapin ko si Annette? May tinatago ba siya? Bigla akong tinaasan ng balahibo ng bigla niya kong hinalikan mula sa leeg papuntang tenga ko.

Gusto kong kumawala sa kanya pero mahigpit ang pagkakayap niya sakin at nasasaktan ako. Ni hindi ko maigalaw iyong mga kamay ko dahil mahigpit na nakapulupot sa katawan ko ang malalakas niyang braso.

"Wala kang maalala, di ba? Then ipapaalala ko sayo, Summer. Ipapaalala ko sa'yo lahat..." makahulugang sabi nya.

Hinarap niya ko sa kanya. Nakita kong ibang Nathan na ang kasama ko. From neck, he started kissing me papunta sa mukha ko. Pumipiglas ako sa kanya pero masyado siyang malakas at mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.

Yong isang kamay niya naman nakakapit sa buhok ko na anytime pwede niyang hilain. He's like turning into a monster. Halos manginig ako sa ginagawa niya sa akin. Hindi ako makapaniwala at tanging ang takas na mga luha nalang ang nagsasalita para sa akin.

Paniguradong magkakapasa ako nito dahil sa mahigpit niyang pagkakahawak sakin. Bigla akong natakot sa kanya. I wanna cry and leave this place. Hindi ko alam pero natatakot na ko sa kanya. What happened to Nathan?

I thought he was my friend?

Iniiwas ko ang mukha ko sa kanya pero bigla niya kinulong ang mukha ko gamit ang kamay niya. Napapikit ako ng mariin dahil hindi ko na kayang tignan ang ginagawa niya. He forcefully kissed me, his lips crushing onto mine. My lips were tightly pressed as his tongue swiped my bottom lip.

Knocking his tongue for an entrance but I didn't allow him. Wala na akong ibang maisip na paraan para makawala sa kanya so I kick him where it hurts the most. Kaya naman bumagsak siya sa buhangin at napaaray ng sobra.

Dali-dali akong tumakbo palayo sa kanya. Madilim na din kaya nag-alala ko. Kinuha ko yong phone ko sa bulsa ko at agad na hinanap ang number ng taong pwedeng makatulong sakin. Tumakbo ako palayo sa kanya.

Drifting Memories (Summer Love Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon