KABANATA 37

32.9K 318 12
                                    

KABANATA 37

CRY



I've moved on... kahit sobrang hirap. Kahit sobrang sakit.

Nakaya ko naman.

Buhay pa naman ako.

Akala ko nga hindi ko kakayanin. Nakakamatay din iyong sobrang pag-iisip kung bakit hindi niya sinabi sa akin ng dahilan. Ganoon ba ako kahirap paliwanagan? Wala ba siyang tiwala sa akin? Maiintindihan ko naman.

"Tulala ka na naman!" Bulyaw sa akin ni Thalia. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Mamaya makita ka na naman naming umiiyak ha."

"Pwede ba? Dalawang buwan na Thalia. Move on na." Saad ko pero tinawanan niya lang ako.

"Ang lakas mo naman ate. How to be you po? Paano magmove on?"

"Thalia, stop it." Saway ni Enrique sa kanya kaya binelatan ko siya para asarin. Buti nga!

"Nakamove on na daw pero madalas tulala. Di ka iniisip non!" Pang-aasar na naman ni Thalia.

"Baka kinakabahan lang iyan dahil may speech siya sa buong klase. Ikaw kung anu-anong pinag-iisip mo." Pagtatanggol naman ni Jerome sa akin.

Kasalukuyan kaming naghihintay sa pagdating kay Ayessa sa labas ng hotel. Today's our graduation ball. Finally...

Even though Cyrille left, he's still our class valedictorian. Pinapadala nalang kasi via online ang exams at quizzes sa kanya.

Kaya nga malaki ang tampo ko dahil nagagawa niya namang mag-online pero hindi niya magawang magsend ng email sa akin. I understand that he's not fond of social media especially Facebook and Twitter. Pero kung talagang may malasakit siya, gagawa siya ng paraan.

Kung gusto niya talagang magwork kami, ano ba naman iyong gumawa siya ng account para magkachat man lang kami. I've sent an email to him but I didn't get any response. Doon palang, alam ko ng wala na talaga akong aasahan sa kanya.

"Quen, darating pa ba iyon?" Tanong ko dahil halos tatlumpong minuto na ang nakalipas ng magsimula ang program pero wala pa ding paramdam si Ayessa.

Tinawagan ko naman kanina pero hindi sumasagot. Panay rin ang pagtext namin sa kanya pero wala namang reply. Kung minsan talaga, malabo iyong babaeng iyon.

"Nag-usap na kami. Darating yon." Saad niya habang panay pa din ang pagtitipa ng mensahe sa cellphone niya.

"Pasok na muna ako ha. Baka tawagin na ako e." Paalam ko sa kanila.

Dahil ako ang salutatorian ng klase, ako ang naatasan na magsalita para sa klase namin. Dahil wala si Cyrille, ako ang gagawa ng tungkulin na dapat siya ang gagawa.

"Kapag wala pa ako at nagstart ka na paki-videohan nalang ha. Pasensya na, sweety." Tinapik ko ang balikat niya.

"Darating yon. Kalma ka lang." I assure him. Mukha namang hindi siya matitiis noon.

Naawa tuloy ako kay Enrique dahil sa kalagayan niya ngayon. Ngayon pa naman siya aamin ng nararamdaman para sa best friend ko.

Pagkapasok namin ay kaagad kaming umupo sa designated seats namin. Mabuti at si Enrique ang president kaya naman sama-sama kami sa iisang table.

Ilang minuto palang kaming nakakaupo ng lumapit na sa akin si ma'am Gina. Mukhang atubili at hindi mapakali.

"Summer, ready ka na ba?" Tumango ako.

Drifting Memories (Summer Love Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon