KABANATA 25

41.4K 338 12
                                    

KABANATA 25

AYOKO



"I'm just checking the condition of ms. Marquez. She was asking if she could go home so I need to check her first." Nakita kong lumambot ang mga mata niya at napatango nalang sa sinabi ng doktor.

Kinuha niya ulit iyong kamay ko at mariin na hinalikan ito habang nakamasid sa pagchecheck ng doktor. Napailing nalang ako at itinuon na ulit ang atensyon sa pogi kong doktor.

"Well, your wounds are still fresh. It seems like you still need to stay here-" Napasimangot ako sa sinabi ni Timothy.

"I wanna go home. H'wag mo ng ipamukha sa doktor na kailangan ko pang magstay dito! You promised..." Naiinis kong bulong kay Timothy at napangiti siya sa sinabi ko. Alam naman na ayoko dito pero sige pa rin ng sige sa panggagatong sa doktor!

"How's her X-ray result?" Tanong ni Timothy. Binuklat ng doktor iyong paper holder niya at napapatango habang may binabasa.

"She had sprain in her left ankle. The rest are okay. She needs to wear that bandage for two weeks and drink the prescribe medicine."

"Can we request for the discharge paper then? Sa bahay nalang siya magpapagaling." Nanlaki ang mga mata ng doktor. Oh-ow! Don't tell me hindi pa ako makakalabas...

"Tim, we cannot allow-" Nalaglag ang balikat ko dahil sa narinig ko.

"Hindi siya gagaling dito kapag pinagstay mo pa siya ng matagal. She actually has a phobia staying in a hospital." Napatiim bagang siya pagkatapos niyang sabihin iyon.

"We'll just request for a private nurse to help us. Don't worry, we'll continue the medication so please allow her to go home."

Hindi umimik iyong doktor na kausap namin at may sinulat lang sa paper at pagkatapos ay sinarado na iyong sulatan niya. Nginitian niya kami at naglakad palapit kay Timothy at tinapik ang balikat nito.

"If you insist then, my dear cousin. I will ask the nurse to prepare the papers for ms. Marquez" Bumaling siya sa akin at may ngisi sa kanyang mukha.

"Get well soon ng hindi na mag-alburoto ang isang to." Natatawa niyang pahayag habang naglalakad palabas ng kwarto.

Gulat na napatingin lang ako kay Timothy. Sandali niya akong tinignan at yumuko na naman habang hawak-hawak ang kamay ko.

"Wish granted, baby. We will go home as soon as they release your papers." Napangiti ako.

"Thank you."

"I didn't break my promise, okay? Now let me sleep." Hinayaan ko siyang matulog sa gilid ko habang nakasubsob ang mukha sa kama ko.

Marahan kong hinaplos ang ulo niya at pinaglaruan ang malambot niyang buhok. I will finally get home...

"Pinsan mo si doctor Garcia?" Tanong ko habang tinutulak niya ang wheelchair na inuupuan ko. Napapatingin ako sa kanya pero nakabusangot at iritable pa din ang itsura niya habang ako naman ay hindi maalis sa mukha ko ang kasiyahan.

"Don't move too much and stop asking me about my cousin."

May mga nakakasalubong kaming mga nurse na panay ang pagbati at pangiti sa kanya. Napaisip tuloy ako kung maging ang hospital na ito ay pag-aari din nila. Nang makalabas kami ng hospital ay may naghihintay ng sasakyan sa amin.

Inalalayan ako ni Timothy na makatayo. Pinagbuksan na din kami ng driver niya ng pintuan. Akmang bubuhatin niya ako ng pinigilan ko siya.

"I can walk."

Drifting Memories (Summer Love Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon