KABANATA 4

63.9K 593 22
                                    

KABANATA 4

DISMAYA


"Follow me." He demanded and immediately left the room.

Nakarinig pa ako ng impit na tili sa iba at para bang hindi normal sa kanila ang ganitong pangyayari.

Sinundan ko ang lalaking tumawag sa akin patungong rooftop. Habang nauuna siyang maglakad ay hindi ko mapigilang pagmasdan ang kanyang likod. It looks so firm and the way his muscle flex were attractive.

"Aw!" I hissed as he stopped walking and my head hit his back.

Napahimas ako ng marahan sa noo ko. Kaagad naman ako napatingala ng humarap siya sa akin. He immediately towered me and I can't help but stare at his lovely yet intense face.

"Tell Enrique Tobias to stay away from Lyka." Napataas ang kilay ko sa aking narinig.

Lyka... Ayessa Lyka Agustin was Enrique's girl.

"Why would I do that? Is she your girlfriend?" Kaagad na nagtangis ang bagang niya sa tanong ko. Naramdaman ko kaagad ang inis sa aking sistema dahil sa tinanong ko. Bakit kahit na bestfriend ko si Ayessa ay ayokong matuon ang atensyon ng lalaking ito sa kanya?

Aha! Kasi mukha palang niya alam ko ng hindi siya mapagkakatiwalaan. Mukha palang niya alam ko ng madaming makakaagaw si Lyka. He would just hurt my best friend.

This jerk...

"I don't need to explain anything to you. Just tell your dear friend to stay away from her." Pagkasabi niya noon ay madali din niya akong iniwanan.

Few days passed and I haven't seen him in the studio. Pinuntahan niya lang ba ako para lang pagsabihan ko ang kaibigan ko tungkol kay Ayessa.

"Food is here guys! Dig in!" Sigaw ni Georgia ng pumasok ang mga delivery men galing sa isang tanyag na restaurant.

Georgia walks toward me and handed me a pack of lunch, salad and green tea coolers.

"You should eat now. You have a shooting in the afternoon." She said.

Tamad na napaayos ako ng upo. Kakatapos lang ng training namin at ang sakit sakit na ng katawan ko dahil sa mga pinagagawang yoga poses sa amin. Paulit-ulit din akong napagalitan ng bading naming trainor sa runway dahil halatang tinatamad akong mag-ensayo kaya naman ang ginagawa niya pinarusahan niya ako at pinatakbo sa threadmill ng tatlumpong minuto.

Kamusta naman yong energy ko, said na said na dahil kanina pa akong umaga nag-eensayo.

"When will my friends come back here? I'm so lonely here, Georgia!" Pagmamaktol ko sa kanya at kaagad naman niyang ginulo ang buhok ko.

"Soon, darling. They're just busy with some things." I made face. They were the one who forced me to join this thing and yet they left me behind.

Thalia's having her grand vacation in Italy. Si Enrique naman hindi ko alam kung nasaan bang lupalop ng mundo iyon. I tried to contact him pero nakapatay naman iyong cellphone kaya wala akong balita sa kanya.

"Why don't you juts go to my office so that you will meet your partner for the shoot later?" She said in an exciting tone.

"Is it Cyrille?" Napahagikgik siya.

"Of course not. He's busy with his study. He's still in States with Ayessa." Napabusangot ako ng marinig sa kanya iyon.

Bigla din akong nainis dahil narinig ko na naman iyong pangalan ni Ayessa at talagang magkasama pa sila sa States ni Cyrille.

The hell. Kahit na bestfriend ko ay ganon pa rin ang selos ko dahil alam kong nagkagustuhan silang dalawa noon at heto ako naghihintay ng himala na sana bumalik na si Cyrille sa akin.

Drifting Memories (Summer Love Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon