KABANATA 33

36.5K 311 15
                                    

KABANATA 33

BIG TIME

As soon as Yu Chi discussed the flow of the ramp, everyone listen attentively. He divided the group into 4 classic theme element: Water, Fire, Earth and Air. A group is composed of 12 models including the 2 lead models.

"After our rehearsal, kindly proceed to room 8. Thyra will be the one to get your body measurements. She will just accommodate 1 group inside the room so the rest of the groups, please stand by." Saad niya at nagmasid sa buong kwarto.

"Lalabas tayo para sa walk rehearsal and also sasalain iyong mga idadagdag na models para sa pictorial so show us what you've got. Alright?" Dagdag niya pa

Umingay ang loob ng silid. Kumalabog naman ang dibdib ko dahil sa inanunsyo niya. Hindi ko alam kung nag-ugat ba ang mga paa ko o nanlalambot na parang gelatine sa sobrang kaba. I forgot to ask a while ago paano kung iyong napili nilang model hindi naman nag-audition at ayaw maging part ng fashion shoot, may right ba itong tumanggi o wala?

"Galingan natin para mapili tayo!" Masayang saad ni Cynthia.

"Ikaw nalang. I'm not interested." Napalukot ang mukha ni Cynthia sa sinabi ni Justin.

"Ikaw Summer?"

"I'd rather sleep instead. Okay na ko dito sa runway." Nagkibit balikat ako.

"Ang ki-KJ niyo naman!" Reklamo niya at hinila na kami palabas ng kwarto.

Pumila kami ni Justin sa grupo namin, elementong tubig. Samantalang si Cynthia naman ay nandoon sa Grupo ng mahahagin este hangin. Napabaling ako sa grupo ni Cynthia, kahit saan ata magrupo iyon ay may makakausap siya sa sobrang kadaldalan niya.

Plus, she looks like a barbie doll. Petite figure, her long straight hair looks so natural and well maintenance, her creamy white complexion suits her feature so well. Mamula mula ang balat at talaga naman mahahalata mong anak mayaman.

"Pwede bang hindi na sumali dito?" Bugnot na saad ni Justin. Napalingon ako sa kanya kalaunan ay napatawa ako dahil sa itsura niya.

"Pwede naman siguro? Takas na tayo?" Gulat na napabaling siya sa akin at sa itsura niya ay para siyang hindi makapaniwala sa alok ko.

Napatawa ako ng mahina. "Tara na?" Ulit ko.

"Seryoso ka? B.I. ka ha!" napatawa ako ng medyo may kalakasan dahil sa itsura niya. Napalingon sa amin ang ibang mga modelo.

"Mukha ba akong nanloloko?"

Bago pa siya makasagot ay nagulat kaming dalawa ng may umakbay sa amin. Nilingon namin ito at nakita ang nakangising si Liam sa amin.

"I support you, guys."

"Pwedeng magback-out?" Nanlulumong saad ni Justin. Napatawa si Liam sa tanong ni Justin. Hindi niya ba sineseryoso ang sinasabi nito?

"I'm rooting for both of you. May chance na maging model abroad ang makukuha dito so think for the future. Besides malaki ang chance niyo na makuha..." Mahigpit niyang hinawakan ang mga balikat namin na animo'y ito ang magiging lakas namin para sumali sa pictorial na pinaghahandaan nila.

Kada grupo ay pinarampa ng isa isa ang mga hindi pa kasali sa pictorial ng isang beses pagkatapos ay pinagdiskusyunan ng mga desingers sa harapan ng entablado kasama si Georgina ang magiging desisyon.

"May chance pa tayong tumakas..." Saad ko at tinawanan ako ni Justin.

"Gusto mong di mapili?" Lumingon ako sa kanya.

Unti-unti kaming umuusad at mabibilang nalang sa kamay at kami na ang susunod na rarampa.

"Try mong madapa sa stage, panigurado laglag ka sa list. O kaya try mo maglakad ng paika-ika doon." Sinampal ko siya sa braso niya.

Drifting Memories (Summer Love Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon