KABANATA 9

53.9K 493 30
                                    

KABANATA 9

ABANDONADO


Napatungatnga nalang ako ng makitang nasa pampang na ako ng dagat at bumalot ang takot sa kaibuturan ng puso ko ng marinig ko ang paulit-ulit na pagragasa ng alon sa mga paa ko.

"Summer!" Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Andrew pero hindi ko siya magawang balingan dahil halos naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

Nabalot ng takot ang buong sistema ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at para bang hindi ako makahinga ng maayos.

"Ano ka ba naman gabi na magsuswimming ka pa? Baka anurin ka lang ng malalaking alon niyan." Saway niya sa akin at naramdaman ko nalang ang paghaplos ng malalambot niyang mga daliri sa kamay ko.

Bumalot ang init ng palad niya sa palad ko at marahan niya akong hinatak pabalik ng pampang. Tahimik lang kaming naglakad at unti-unting naging kalmado ang sistema ko.

"Tahimik mo?" Napailing lang ako sa tanong niya.

Matagal ko ng ipinagtataka iyon kung bakit sa tuwing makakakita o makakarinig ako ng paghampas ng mga alon ay labis ang takot na nararamdaman ko. Yong pakiramdam na nasa peligro iyong buhay mo pero wala naman.

Ipingatataka ko nga kung iyon ba ang dahilan kung bakit ako walang maalala. Ang natatandaan ko kasi sa sinabi ng doctor ko noon. Isinugod daw ako sa hospital noon na duguan at basang basa dahil sa tubig dagat.

Iyon siguro ang dahilan kung bakit takot na ako sa dagat. Isa kasi ito sa dahilan kung bakit wala akong maalala.

"Ikaw ba yong photographer bukas?" Tanong ko para naman mawala sa isip ko iyong mga pangambang inaalala ko.

"Of course. Sino bang gusto mong kumuha ng mga shoot mo?" Napailing ako at nginitian siya.

Kumportable kasi ako kapag si Andrew ang photographer. I always decline the offer kapag hindi si Andrew ang kinukuha nilang Photographer. Sanay na kasi ako sa kanya at alam ko rin ang mga gusto at ayaw niya kapag nasa shoot, likewise ganon din siya.

Napagdesisiyunan namin na kumain nalang sa mismong hotel ng Fontana. Simpleng mga potahe lang ang sinerve sa amin pero napangiti ako sa mga nakita kong ulam.

"I miss my granny..." Sabi ko habang tinitignan iyong mga pagkain na nasa harapan ko.

Madalas niya kasi akong lutuan ng Pinakbet, ginisang na Sayote sa giniling at inihaw na Tilapia. Parang gusto ko na tuloy bumalik nalang ng Japan kahit na madami pa akong kailangang gawin dito sa Pilipinas.

"You'll still go back to Japan after your graduation, right?"

"Baka hindi na ako magmarcha. Kapag nasure kong gagaraduate ako ay ipapakuha ko nalang kaagad iyong diploma ko at babalik na ng Japan."

Naibaba ni Andrew iyong kutsara't tinidor niya dahil sa sinabi ko.

"I thought you'll stay here for good? Paano iyong mga memories na maaalala mo na. Won't that change your decision?"

"It may. It may not. Depende sa sitwasyon. Ayokong magsalita ng tapos. For now, I'll just stick to my original plan."

And that's to go back to Japan since my family's there. My loving yet true family.

Tahimik nalang kaming kumain after ng usaping iyon. Kahit kasi noon ayaw niyo iyong ganoong desisyon ko. Para ko daw kasing nililimitahan iyong sarili ko at ikinukulong nalang sa isang lugar na kung tutuusin mas marami pa daw akong pwedeng malaman sa mundo.

Para kasi sa kanya ang pagmomodelo, hindi lang iyon natatapos sa mga litrato. You have to travel a lot, explore the world and try to blend with different people. Kung hindi nga lang ako nag-aaral ay talagang isasama niya ako sa mga tour niya sa iba't ibang bansa.

Drifting Memories (Summer Love Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon