KABANATA 26

38.6K 339 6
                                    

 KABANATA 26

Attitude


Ilang araw pang ganoon ang eksena sa loob ng bahay. Kung minsan nga ako na iyong umiiwas dahil hindi na ako kumportable sa nakikita ko.

Natural kasing close silang dalawa. Of course, they have special bond, magkababata silang dalawa at napagalaman ko pa na naging sila noon. Nagkahiwalay lang dahil kailangan ni Alliyah tumungo sa ibang bansa para mag-aral ng pagdodoktor.

Napangiti ako ng mapakla dahil sa dahilan ng paghihiwalay nila. Kaparehong-kapareho ng dahil ng pagkakahiwalay namin noon ni Cyrille. Pero sila, kahit na nagkahiwalay ay di pa din matawaran ang pagiging malapit sa isa't isa.

Parang walang nangyaring hiwalayan. Napaisip tuloy ako kung nakikipaglaro lang ba sa akin si Timothy. May parte sa puso ko na naiinis sa nangyayari. Simula kasi ng dumating iyong babaeng iyon ay hindi na ako nakakamusta ni Timothy.

Panay din ang pamamalagi niya sa opisina kaya madalas ay kami lang ni Alliyah sa bahay. Ni hindi niya ako makamusta tungkol sa nararamdaman ko matapos iyong aksidente. Palaging na kay Alliyah iyong atensyon niya.

Kapag naman nasa akin ay talagang aagawin ng babaeng iyon . Hindi naman doon natutulog si Alliyah. Member siya ng VM resort kaya malaya siyang nakakalabas pasok sa resort nila Timothy.

Sa isang hotel siya nakatuloy at dinadalaw lang ako kapag tanghali hanggang gabi para daw bantayan pero ang totoo, inaabangan lang niya si Timothy. Hindi kasi siya makapasok sa opisina ni Timothy dahil hindi siya pupwede doon. Ewan ko kung bakit.

"May pagkain na dyan. Kumain ka na." Hindi ko siya pinansin. Imbis ay nilagpasan ko siya.

Abala siya sa panonood sa TV. Nakataas pa ang paa sa mesa at prenteng nakasandal sa sofa ni Timothy. Hindi ko maiwasan na mainis sa nakikita ko. Kung makapagsuot ng damit ay akala mo hindi siya mababastos.

Nakasandong itim at shorts na asul na sobrang ikli ang suot niya.

"Aalis ka na naman? Alam ba ni Timothy yan?" Napaayos siya ng upo at akmang susundan ako ng pumihit ako paharap sa kaniya para pigilan siya.

"May pupuntahan ako. Hindi ko naman kailangang magpaalam sayo o kahit kanino."

"Really? Hindi naman ikaw iyong mapapagalitan sa ginagawa mo. You never change. Spoiled brat ka pa rin. Kung anong gusto mo, pagpipilitan mo."

Tinalikuran ko siya at naglakad na palabas ng Villa. E'di siya ng may alam sa ugali ko. May nalalaman pa siyang spoiled brat , e mas mukha pa nga siyang spoiled sa akin.malapit sa bakod.

"Nandito ka na naman." Napaigtad ako marinig ang boses ng matandang tagapagbantay ng bulwagan ng paraiso.

"Ang aga mo ata? Kanina ka pa dito?"

"Kanina pa pong alas otso." Sagot ko habang binubuingting ko iyong phone ko dahil hindi ko matawagan iyong lola ko sa Japan.

"Hindi ka ba hinahanap sa inyo? Nagtanghalian ka na ba? Agahan? Merienda? Delikado dito sa buwagan baka makita ka ng may-ari at mapagalitan taiyong dalawa."

"Wala namang maghahanap sa akin. Tsaka hindi magagalit iyong may-ari. Nakita ko na nga iyong mansyon ng Paraiso sa likod nitong bulwagan, e."

"Nakita mo na?" May gulat sa kaniyang boses.

Napatango ako at napangiti habang tininitignan siyang palakad lakad sa bakod ng bulwagan.

"I'm staying at the Villa. Doon kami dumaan ng amo niyo kaya nakita ko iyong kabilang parte nitong resort." Napatango-tango siya sa sinabi ko.

Drifting Memories (Summer Love Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon