KABANATA 18

41.2K 382 25
                                    

KABANATA 18

NAMATAY


"Ms. Summer, wala ka na pong balak mag-extend? Mawawalan na naman kami ng manager." Malungkot na pahayag ni Mitra, isa sa mga supervisors dito sa VM.

Napangiti nalang ako sa kanya dahil kahit ilang beses ko na silang sinabihan na walang na akong tawaging ma'am at mag po o opo sa akin ay hindi nila pa din sinusunod.

Kung tutuusin nga ay dapat sila ang ginaganon ko dahil mas nakakatanda sila sa akin. Intern lang naman ako at pansamantalang pamalit sa bakanteng pwesto.

"May mga kailangan pa kasi akong asikasuhin, e. Hindi ko naman akalain na mabilis kong matatapos yong internship ko dito." Saad ko at lahat sila ay napabuntong hininga nalang.

"Panay kasi ang overtime at double shift niyo ma'am kaya napabilis." Sabi ni Gia.

Oh, I'm gonna miss her. Madalas kasi niya akong hatiran ng pagkain sa opisina ko lalo na kapag busy ako sa mga reports ko. Madalas niya din akong kwentuhan tungkol sa mga nangyayari dito sa resort kaya naman kahit busy ako ay nalilibang pa din ako dahil sa kanila.

Kung babalikan ko ang nakaraan, ilang beses ko lang ata sila natulungan at nakasalamuha sa pamamalagi ko dito sa resort. Naubos kasi iyong oras ko sa mga reports na hindi nagawa noong manager noon. Though, I will still miss them kahit na konti lang ang napagsamahan namin.

I called all my staffs for a quick huddle. Maging ako ay nagulat ng nalaman kong natapos ko na iyong internship ko dito. Naipamigay ko na din sa mga supervisors iyong reports na kailangan maipasa sa finance department para wala na silang backlogs.

Madali naman na nilang magagawa iyon dahil may template na akong nagawa at puro encoding nalang ng sales at inventories ang gagawin nila. I just wish for the success of this resort and I hope may mapromote nalang sa mga staff para maging manager kaysa kumuha pa sa labas. Di hamak naman na mas alam ng nasa loob ang sistema dito at alam kong isinapuso na nila iyon.

"Ma'am, sama kayo sa amin mamaya. Birthday po ni Cecille. Magbabar po kami tsaka isabay na po natin doon ang party para sa inyo." Suggestion ni Lance at nagsitanguan naman sila sa ideya na iyon.

"Naku, birthday ni Cecille iyon kaya huwag na kayong mag-abala pa na bigyan ako ng party."

Maghapon akong nagbabad sa dalampasigan sa pinakadulo ng resort. Nakatulala habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.

Namangha ako ng maghalo ang kulay asul, kahel at pula sa kalangitan. Truly God is amazing. God created the world and filled it with beautiful things.

Nireview ko nalang yong mga shots na gusto nila AJ at kuya Mico. Nang nabored ako ay napagdesisyunan kong buksan ang instagram account ko at nagpost ng mga pictures na nakuhanan ko dito sa Cebu.

The last photo I uploaded was the picture of Timothy. I took it a few days ago... twas the moment when he walked away and confessed that he likes me. I didn't bother to write a caption. I don't even know why I have this urge to post his photo.

Nakatalikod siya sa akin sa picture pero yong mukha niya ay malayong nakatingin patungo sa dagat. Nakasuklay pa sa buhok niya at parang beteranong model dahil sa ginawa niya.

He look so damn hot. Frustration is not evident in this shot. He just looked so puzzle and lost. And I know why...

"Thought you're afraid of sea?" Napabaling ako sa kaliwa ko ng may bigla nalang umupo sa tabi ko.

The perfect angle of his face. That little stubbles on his beautiful face. Sari't saring emosyon ang naramdaman ko habang tinitignan siya. Napakunot ang noo niya at biglang itinaas ang kamay kaya naman sinundan ko iyon hanggang sa nagulat nalang ako dahil lumandas iyon sa pisngi ko at marahang ipinalis ang luha dito.

Drifting Memories (Summer Love Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon