KABANATA 19

41.7K 399 12
                                    

KABANATA 19

FAREWELL


Nailang ako ng nasa harapan ko na siya kaya naman napayuko na ako. Ni hindi ko alam kung paano ako magrereact ng sandaling hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at marahan na inangat ng sa ganon ay makita niya ang mukha ko.

Ang kanyang mapangusap at malamig na mga mata ang una ko na namang napansin. Sumunod ang matangos niyang ilong, manipis at mapupulang labi at huli ang magkasalubong niyang mga kilay.

"I have to go..." Sabi ko at akmang iiwasan na siya ng hindi niya ako hinayaan makaalis.

"What do you want from me? I'm trying my best to stay away from you, mr. Monasterio. Di ba iyon yong utos mo?" Malumanay kong saad sa kanya.

"Let's not fight, please. I'm sorry for what I did and said last time..." He said while frowning.

I gently touch his forehead to fix the creased on it. Nakita ko ang pagyanig ng mga mata niya na para bang hindi niya inaasahan ang ginawa ko.

"Ayaw mo ba talaga sa akin? Bakit ba ang labo mo? Bakit urong-sulong ka? Sala sa lamig, sala sa init ka. Hindi na kita maintindihan!" halos pabulong ko na iyon tinanong pero tiyak kong narinig niya iyon dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa.

Napakagat nalang ako sa labi ng ilang segundo na ang lumipas pero parang wala naman siyang balak na sagutin o bigyan ako ng impormasyon. Pinilit kong iniwas iyong mukha ko sa mga kamay niya pero dahil isa't kalahati ding matigas ang ulo niya ay pinadausdos niya ito patungo sa bewang ko at mas hinapit pa ako palapit sa kanya.

"Sino ka ba talaga sa buhay ko?"

Nanlaki ang mga mata ko ng lumapat ang noo niya sa noo ko at mariing nakapikit at para bang hirap na hirap sa nangyayari.

"I will tell you everything. Just trust me. You just have to wait..." Napasinghap ako.

"I can't wait forever..."

"Just wait a little longer, sweetheart."

Biglang nanikip iyong dibdib ko at pakiramdam ko ang dami-daming emosyon ang gustong kumawala sa sistema ko.

"I'll not take us forever. I promise you will remember your past. You will remember me..." Nanlambot ako sa sinabi niya at para bang may gustong kumawa na kung ano sa mga mata ko.

I need to wait a little longer? Paano kung hindi ko na kaya pang maghintay? Paano kung gustong gusto ko na talagang makaalala? Gusto ko ng bumalik sa pagiging normal. Gusto ko ng maalala lahat ng dapat kong maalala. Damn it!

Niyakap niya ako at dahil sa ginawa niyang iyon ay unti-unting kumawala sa mga mata ko ang mga butil ng luhang matagal ko ng pinipigilan. Napahikbi ako at panay naman ang pag-alo niya sa akin. Iba't ibang emosyon ang naramdaman ko, nanggigigil ako at naiinis sa sarili ko.

Samu't saring ideya ang pumasok sa isip ko. Pinilit kong alalahanin kung bakit ba ako nawalan ng alala noon pero wala talaga akong maalala. Pinilit ko ding alalahanin si Timothy pero hanggang doon lang talaga sa huli naming pagkikita sa studio bago ko makilala si Nathan ang huli kong natatandaan.

Umatras ako para makita siya. Kaagad naman niyang pinahiran ang mukha ko para mapalis ang mga luha dito.

"You know what, Nathan will tell me something about my past. He said that we're really good friends way back then." Nakangiti kong saad sa kanya at di na rin napansin na nakahawak na din pala ako sa baywang niya.

Napakunot na naman siya at parang tinitimbang ang dapat niyang sabihin. Nanatili akong nakangiti sa kanya at hinihintay na makita ang reaksyon niyang masaya siya sa sinabi ko.

Drifting Memories (Summer Love Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon