KABANATA 24

41.5K 370 26
                                    

KABANATA 24

HOME


Halos mamaluktot ako sa sakit na nararamdaman ko sa buong katawan ko ngayon. Hindi ko maigalaw ng maayos ang katawan ko at nahihirapan na din ako sa paghinga ko. Hinawakan niya ulit ako sa buhok at pinatayo ng maayos.

Halos umikot ang paningin ko dahil sa pagpwersa niya sa akin. Bigla akong nanigas ng marinig ko yong sunod sunod na hampas ng mga alon.

"W-what do you want?" Halos pabulong na tanong ko na sa kanya.

Nagpumiglas ako sa kanya maramdam kong papalapit kami sa dagat. Bawat hampas ng alon nagugulat ako. Panay lang ang pagtawa niya sa akin na para bang natuluyan na talaga siyang nasiraan ng bait.

"I want you... so bad!" simpleng sagot niya.

Ilang beses akong bumagsak sa buhangin. Napapikit nalang ako ng maramdaman ko ang matinding hilo. Naramdaman kong itinayo ako ng demonyo sa pagkakasalampak sa sahig. Hinang hina ako at parang lupaypay na gulay na. Niyakap niya ko ng mahigpit.

"Oh, just kill me now. Please!"

"Not yet, sweetheart."

Maya-maya lang naramdaman ko ng hinalikan niya ko sa leeg ko. Wala akong magawa kundi ang umiyak. Sinubukan kong pumiglas pero hinila niya lang ang buhok ko. Mas lalo kong naramdaman ang matinding hilo kaya naman hindi na ko nagpumiglas.

Impit ang paghagulgol ko dahil nasasaktan ako sa paghawak niya sa buhok ko. Pakiramdam ko ang sama sama ko kaya niya ginagawa sakin to.

Binuhat niya ko na parang sako at saka inihagis sa dagat. Halos magising ang diwa ko dahil sa takot pero hindi ko nagawang kumilos dahil sa sakit ng buong katawan ko.

Timothy nasaan ka na ba?

"This is what you deserve. You should die! Katulad ng ginawa mo sa puso ko! Iniwan mo ko sa ere Summer. Iniwan mo kong ako lang ang nagmamahal sa ating dalawa!"

"I didn't love you!" pilit na sigaw ko sa kanya.

"You should die! Sana pinabayaan na kitang malunod noon!"

Isinubsob niya ko sa tubig at hinawakan ng madiin ang ulo ko para hindi ako makabangon. Naiyak ako sa sobrang alat at hapdi ng pagdampi ng tubig sa katawan ko. Madami na kong nainom na tubig at pakiramdam ko anytime malalagutan na ko ng hininga. Ganito ba ang ikakamatay ko? Bigla niyang inangat ang ulo ko at halos habulin ko naman ang paghinga ko.

"Ano naaalala mo na Summer? Do you remember how you beg for help that time kasi malulunod ka na? Do you now remember? I helped you pero ako pa yong lumabas na may kasalanan kasi pinagbintangan mo kong nilunod ka. Totoohanin na kaya natin yon-"

Hindi ko na narinig ang kasunod niyang sinabi dahil sa isinubsob niya ko muli sa tubig at pilit na nilulunod. Halos malagutan na ko ng hininga ng bigla nalang akong naramdaman na may tumilapon sa gilid ko.

Napaubo ako at ilang beses na hinabol ang hinnga. Nakita kong tumilapon sa dagat si Nathan ng may isang lalaki na sumugod sa kanya.

"Timothy." Bulong ko.

He came... He came to save me.

"You fucking asshole!"

"Welcome to hell!" masayang bati ni Nathan sa kanya.

"I warned you before na wag na wag ka ng lalapit sa kanya!"

Pilit akong gumapang papauntang dalampasigan habang naririnig ko ang panggigigil ni Timothy kay Nathan. Rinig ko ang pagtalsik ng tubig at pagtama ng mga suntok ni Timothy sa demonyong lalaking gusto akong patayin kanina lang.

Drifting Memories (Summer Love Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon