KABANATA 36

36.7K 386 19
                                    

KABANATA 36

ASSURANCE

Tahimik akong naghintay sa isang music store sa greenbelt. Ayoko pa kasing umuwi kaya sumama nalang ako kay Timothy na mamili ng gitara para sa pinsan niyang nanghihingi ng regalo.

I roamed around and found something that made my heart beat so bad. A grand piano that reminds me of Cyrille.

Tinuruan niya kasi ako noon. Mahilig kasi siya sa mga classical music kaya kapag hindi ako busy sa school ay nagpapaturo ako sa kanya ng mga piece.

Unti-unti akong dinala ng mga paa ko sa piano. Isang panilyar na pakiramdam ang bumalik sa akin. Though, I don't really miss the person but our memories. Malakas ang kapit niya sa akin. He was my everything way back then. My first innocent kiss, hug and heartbreak.

I started to stroke the keys. Hindi naman ako sinita ng bantay at imbis ay nagpatuloy pa siya sa ginagawa niyang pag-aayos ng mga gamit.

I needed a change. I needed to be someone new. Have you ever felt like that?

Bumalik lahat ng alaala ko kay Cyrille. Mula sa matamis niyang pag-ngiti. Ang mapangusap niyang mga mata na madaling basahin. Ang maputi at makinis niyang balat na kapag kinikilig o nagagalit ay namumula ng sobra.

Yong pagiging maasikaso niya at maintindihin. Yong uunahin ka niya bago iyong ibang bagay. Nanikip iyong dibdib ko.

Naramdaman ko ang pamilyar na haplos kaya itinigil ko ang pagtugtog. Pinilit kong ibaon sa pinakailalim at kasuluk-sulukang bahagi ng puso ko ang sakit at lungkot na iniwan sa akin ni Cyrille.

Tapos na ako sa pahinang iyon e. Tinapos ko na iyong paghihintay ko sa kanya kasi alam ko namang wala na talaga pero hindi pala talaga ganon kadaling makalimutan iyong taong naging mundo mo noon.

Lumingon ako kay Timothy at nakitang nakatitig siya sa akin ng husto.

"Tara na?" Tanong ko sa kanya. Nagpacute pa ako para lang maconvince siya na okay lang ako dahil talagang titig na titig siya sa akin wari mo'y binabasa ang nilalaman ng isip ko.

"I want to hear your composition, would you let me?" Para akong sinuntok sa tyan dahil sa tanong niya.

Napasinghap ako at halos mawalan ng hininga. Hindi ako nakapagreact kaagad sa gusto niya.

"Play for me?" Nakangiti niyang saad. "Please..." Tumango ako at hinawakan ang kamay niya.

Mahigpit niyang hinawakan ito at mukhang nagtaka dahil tumayo ako. Naglakad ako palabas ng mall at papunta sa parking lot.

"Danielle..." Nilingon ko siya.

I am now determined to forget Cyrille. Kung gusto kong makamove on ng tuluyan, pwes kailangan kong harapin iyong sakit at takot ko. Kung gusto kong gawin iyon, dapat handa akong ipakita sa taong mamahalin ko iyon.

He deserve the truth. Timothy needs to know my past. Kailangan alam niya lahat. Kasi ganon ang love, dapat walang tinatago...

"Pwede mo ba akong ipagdrive?" Nakatitig siya sa akin ng seryoso.

"Gusto mo ng umuwi? Sige, Ihahatid na kita..."

Tahimik kaming naglakad patungo sa sasakyan niya. Pinagbuksan niya pa ako ng pintuan at tahimik pa rin akong pumasok. Ni hindi ko man lang siya binalingan. Pinipilit kong labanan iyong damdamin kong gustong gusto ng kumawala.

"Where are we going? Saan ka ba nakatira?" Napaangat ako ng tingin sa kanya. Mapungay ang mga mata at para bang gulong gulo sa pinagagawa ko sa kanya.

Drifting Memories (Summer Love Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon