KABANATA 16

45K 366 19
                                    

KABANATA 16

PINAMIMIGAY


Ilang beses akong napatingin sa orasang pambisig ko. May sampung minuto nalang nalalabi para maghanda sa photoshoot namin nila pero heto ako at inaasikaso pa iyong mga kailangan kong gawin para sa trabaho.

Usapan kasi namin ni Ally na magkita ng alas tres para matapos na namin iyong mga kailangan sa shoot. It's already thursday at kailangan na nilang makabalik ng Maynila bukas para makapag-edit na.

Kulang na kulang na kami sa oras. Kung bakit ba naman kasi masyadong paimportante iyong partner ko at kaninang umaga lang sumipot sa usapan namin.

"Gia, naayos mo na ba iyong pinagagawa kong report sa'yo?" Tanong ko sa kanya at napakamot nalang siya ng ulo.

Napapikit ako ng makumpirma kong hindi niya pa nasisimulan iyong report.

"Nong nakaraan ko pa binigay iyon di ba?" Malumanay kong tanong sa kanya.

"Pasensya na ma'am. Hapit po kasi iyong oras ko dito sa restaurant. Hayaan mo mamaya aayusin ko na po iyon."

"I'll try to drop by later after my shoot." Sabi ko sa kanya nag-aayos ako ng gamit sa bag ko.

"Naku ma'am! H'wag na po. Nakaleave kayo di ba hanggang bukas? Kaya ko naman na iyon." Ilang minuto ko pa siyang tinitigan.

Nabali lang ang pagtititigan namin ng may pumasok na costumer at parang lahat sila ay nataranta. Inilibot ko iyong paningin ko sa buong lugar at sakto naman na nagkatinginan kami.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Kung hindi lang dahil sa salamin na suot niya ay paniguradong iisipin kong ibang tao ang nakikita ko ngayon. Hindi ko alam na malabo pala ang mga mata niya?

Wala pa ding pinagbago ang pakikitungo niya sa akin. It's been almost a week yet hindi niya pa din ako pinapansin. Well, hindi na rin naman kasi ako nangungulit at nag-e-effort. Para saan pa?

Pero kahit na ganoon ay saksakan pa rin siya ng kagrapuhan. Kung bakit ba naman kasi noong nagpaulan ng kagrapuhan ay nangunguna siya sa pila habang may dala-dalang malaking balde para salukin ito.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at nagpaalam na sa mga staff ko.

"Mauna na ako ha. Susubukan kong dumaan mamaya."

"E, ma'am naman. Magpahinga nalang kayo." Sabi ni Gia habang hinahatid pa ako palabas ng VM at napapakamot nalang ng ulo sa pagpupumilit ko.

"Ilang araw na kayong double shift. Uso naman pong magpahinga."

"I'm running out of time, Gia. Sige na at bumalik ka na ulit sa loob." Sabi ko sa kanya at madali ng sumakay sa service na van para mas makarating ako sa patutunguhan ko ng mabilis.

Wala na akong oras. Kailangan ko ng matapos kaagad itong internship na ito para makaalis na sa lugar na ito. Come what may. Maaalala ko din iyong nakaraan pagdating ng araw.

Pagkarating ko sa set ay abala pa din sa pag-pipicture sila Ally. Mukha na nga silang pagod at balisa. Miski iyong model na lalaki ay salubong na ang kilay dahil siguro sa pagod na nararamdaman.

Madali akong naglakad papunta sa isang stylist at kaagad din naman akong inabutan ng damit na sususotin ko. Hindi na rin nila pakikialaman ang buhok ko dahil masinop ko naman itong itinali pataas at hinayaan na nakaladlad ang kuloy kong buhok.

"Mukha kang puyat?" Alanganin na saad ni Ally sa akin ng tahimik akong umupo sa tabi niya.

"Yeah. Had to do some double shifts." Saad ko at napapikit nalang ng masandala ko sa isang upuan.

Drifting Memories (Summer Love Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon