KABANATA 22

40K 377 17
                                    

KABANATA 22

NAGSINUNGALING


Habang naghihintay ay sunod-sunod ang tunog ng phone ko.

From: Teejay

Baby...

From: Teejay

She already approved the project...

From: Teejay

But it was actually a good proposal. I was planning to approve it too.

Nagngitngit ako sa inis dahil sa nabasa ko. Syempre chance niya na iyon dahil pinagbigyan mo siyang i-approve kaya di na niya sinayang. Kaasar!

From: Teejay

Please don't be mad. I'll see you soon, baby.

"Baby mo mukha mo!" Inis kong sigaw sa kawalan.

Wala akong pakialam kung nakakabulahaw ako ng ibang bisita. Naiinis ako dahil sa nangyayari. Hindi naman kami pero ganito ako kung makaarte. Naiinis ako kung bakit hindi niya sinabi sa akin na kasama niya pala doon si Georgina.

Kahit na sabihing maayos ang naging harapan namin nong nakaraan at tinulungan niya akong makapasok sa Paraiso ay nagseselos pa din ako. Syempre may pagtingin siya kay Timothy at hindi malabong magkagusto sa kanya ang kahit na sinong lalaki. Tanga nalang ang hindi siya papatulan.

Doon na din ba iyon nagtatrabaho? Paano na iyong Sapphire niya? Leche wala na akong pakialam sa agency niya. Ang pakialam ko ngayon na kay Timothy!

Napaigtad lang ako sa kinatatayuan ko ng may mapansin akong bulto sa kaliwa ko.

"Sinong kaaway mo?" Gulat na nakatitig siya sa akin.

"Nathan!"

Lumapit siya sakin sabay halik sa pisngi ko na ikinagulat ko naman.

"May kaaway ka?" Kaagad akong napailing.

"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya.

Mukha siyang nalito sa tanong ko pero nginitian pa din ako. Kitang kita ang kanyang dimple dahil sa paraan ng pagngiti niya.

"Aww. Seems like you really forget things. Di ba lalabas tayo ngayon? Today's Wednesday and I asked my manager for a day-off." Nathan's jaw tightened and his mouth pursed.

Abot-abot ang tahip ng aking dibdib dahil sa sinabi niya. Unti-unti kong naalala na may usapan nga pala kaming dalawa ngayon at sasamahan ko siya sa family reunion nila.

"Oh shit! I totally forgot."

"So we're not going to-"

"No, no! Sasamahin pa rin kita. We'll go." Kaagad kong saad para hindi na siya madismaya. Napatango-tango siya sa akin para bang hindi rin naman ako papayagan na hindi sumama sa kanya.

Of course, sasama ako sa kanya! Wala namang nagbabawal sa akin.

"Stay away from Nathan. Being with him will not do anything good for you. Hindi siya naging mabuting kaibigan sa'yo."

Kaagad na bumalik sa isip ko iyong mahigpit na bilin ni Teejay sa akin. Well, siya naman ang unang sumaway kaya patas lang kami. Kaagad kong iwinala sa isipan ko iyong mga bilin ni Timothy. I can do whatever I want. He can do whatever he wants.

"Babalik lang ako ng suit para magbihis tapos alis na tayo..."

"Your dress looks good on you. Sa kabilang isla lang naman tayo pupunta so don't bother to change..." Napanguso ako. Sabagay, simple lang din naman ang suot niya. Nakashort na hanggang tuhod lang siya at black sleeveless na top.

Drifting Memories (Summer Love Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon